ITATALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired military general Danilo Lim bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kinompirma ni Exe-cutive Secretary Salvador Medialdea kahapon, lalagdaan bukas ni Pangulong Duterte ang appointment papers ni Lim bago magtungo sa official visit sa Russia.
Mananatiling general manager ng MMDA si Thomas Orbos na nagsilbing acting chairman nang ilang buwan.
Natalo sa pagka-senador si Lim noong 2010 elections sa ilalim ng Liberal Party (LP) at na-ging Customs deputy customs commissioner sa administrasyong Aquino.
Si Lim ang isa sa na-nguna sa pinakamadu-gong kudeta noong 1989 na muntik magpabagsak sa administrasyong Cory Aquino.
Naging katuwang din si Lim ng Magdalo Group na nagtangkang magpatalsik sa gobyernong Arroyo.
(ROSE NOVENARIO)