ILULUNSAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang legal na opensiba laban sa ABS-CBN, sa paghahain ng kasong multiple-syndicated estafa laban sa pamilya Lopez, nang hindi ilabas ang kanyang political advertisement kahit tinanggap ang bayad niya.
Paliwanag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police housing design and modalities sa Madayaw Residences, Kadayawan Homes sa Bangkal, Brgy. Talomo Proper, Davao City, nagbayad siya ng P2.8 mil-yon ABS-CBN para sa kanyang anunsiyo noong panahon ng eleksiyon ngunit hindi isinahimpapawid ng TV network.
Hindi lang siya aniya ang nabiktima ng pang-e-estafa ng ABS-CBN kundi maging ang iba pang mga politiko gaya nina Senador Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, talunang senatorial candidate na si Roman Romulo, at iba pa.
Sinabi ng Pangulo, kawalanghiyaan ang ginawa ng ABS-CBN sa kanya at mga mahihirap na politiko ang karaniwang binibiktima.
“Kapal ng mukha ninyo. Fuck you,” galit na wika ng Pangulo.
Binatikos ng Pangulo ang pagpapanggap ng network na nagtataguyod umano ng press freedom na animo’y napakalinis ga-yong sila naman ang numero unong magnanakaw.
Bukod sa ABS-CBN, muling binanatan ng Pa-ngulo ang pamilya Prieto na may-ari ng Philippine Daily Inquirer, dahil ayaw nang ibalik sa gobyerno ang Mile Long Property sa Makati City kahit paso na ang lease contract nito sa pamahalaan at hindi pa nagbabayad ng tamang buwis.
ni ROSE NOVENARIO