NAKATAKDANG ipatupad ng Manila Police District (MPD) at pamahalaang lungsod ng Maynila ang “foolproof” o 24/7 walang palyang security detail sa Muslim community, bilang paghahanda sa nalalapit na Ramadan sa Quiapo, Maynila.
Ang ilalatag na security plan ay bunsod ng pangamba ni Mayor Erap Estrada, makaraan ang tatlong magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, sinasabing dahil sa su-miklab na “religious war” ng ilang grupo ng mga Muslim.
Naalarma si Estrada, kaya’t inatasan ang pamunuan ng MPD na paigtingin ang seguridad sa Quiapo Golden Mosque at iba pang Islamic cultural centers sa lungsod, na maagap na ginawa ng pulisya bago magpalabas ng pahayag at plano ang alkalde ng lungsod.
Ayon kay Estrada “We will implement foolproof security to prevent a repeat incidents,” patungkol sa tatlong pagsabog nitong nakaraan 28 Abril at 6 Mayo, na ikinamatay ng dalawang biktima at malubhang ikinasugat ng 20 indibiduwal sa Quiapo.
Ayon sa bagong lide-rato ng MPD Station 3 sa pamumuno ni Supt. Arnold Tom Ibay, nagsagawa sila ng pagpupulong sa Muslim community and religous leaders u-pang mailatag at masi-guro ang seguridad ng publiko sa paggunita ng Ramadan, partikular para sa kapayapaan ng kapwa kapatid na Muslim sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Ibay, paiigtingin ng pulisya ang ugnayan sa bawat grupo ng mga Muslim sa natu-rang lugar, habang nangako ng suporta ang kanilang mga lider at opis-yal.
Kaugnay nito, iniha-yag ni MPD director, C/Supt. Joel Napoleon Co-ronel, ipakakalat ang 425 pulis sa lungsod, ang karamihan ay naka-sentro sa Quiapo at sa Islamic Center.
Ayon kay General Coronel, ”We are assuring the Muslim communities in Manila that the MPD will be present at the ground to secure the observance of Ramadan.”
“We will see to it na peaceful and orderly ang observance ng Ramadan,” aniya.
Inaasahan ang ilala-tag na special checkpoints at karagdagang foot at mobile patrols sa buong isang buwan ng obserbasyon ng Ramadan.
Iginiit ni Coronel, sa kabila na walang banta ng pag-atake ng mga terorista sa Filipinas sa panahon ng Ramadan, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang national government intelligence agencies upang mapigilan ang mga bantang ito, kung mayroon man.
(BRIAN GEM BILASANO)