Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, tsutsugiin na sa FPJ’s ang Probinsyano?

BILANG na nga ang araw ni Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) dahil muntik na siyang masukol ng grupo ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa umereng episode noong Miyerkoles ng gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ginawang human barricade ni Joaquin ang bata kaya hindi siya nagawang paputukan ni Cardo.

Pero may puso pa rin ang mahigpit na kontrabida ni Cardo dahil hindi naman niya talaga pinasabugan ang batang ginamit na panangga dahil malayo naman ang itinanim nitong bomba at sabay tago.

Parang naulit ang eksenang pinatay ni Joaquin si Ador dahil ganito rin ang ginawa niya kay Cardo na binaril niya habang nakatalikod at noong muling babarilin para masigurong patay na ay humarang ang kanyang inang si Agot Isidro (Verna).

Hindi halos makapaniwala si Joaquin na nanay niya ang nabaril niya at dahil parating na ang grupo ni Cardo kaya tumakbo siya at litong-lito.

Nagsumbong siya sa lolo Ramon (Eddie Garcia) niya na nabaril niya ang mommy niya at umaasang sana hindi pa patay.

Nabitin naman ang manonood sa kuwento dahil itutuloy kagabi ang kuwento kung tuluyang mamatay na si Agot, pero si Cardo, tiyak na buhay siya dahil hanggang 2018 pa ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Iisa ang tanong ng lahat hanggang kailan na lang si Joaquin Tuazon sa serye? At sino na ang susunod na kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay?

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay wala pang rating na ibinigay sa amin kaya curious kami kung nakailan ito.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …