LUMOBO sa 5,200 ang bilang ng undocumented OFWs sa Jeddah, Saudi Arabia, na nagpatala para sa 90-day amnesty program, na nagsimula noong Marso.
Sinabi ng Philippine Consulate head sa Jeddah na si Consul RJ Sumague nitong Martes, umabot na 5,200 ang mga nakapagrehistro sa konsulada mula noong 26 Marso.
Halos karamihan aniya sa mga humahabol magparehistro ay mga dating nagtatrabaho bilang mga kasambahay na tumakas sa kanilang mga amo.
Aniya, posibleng umabot pa sa 7,000 ang bilang ng mga kababayan natin na magparerehistro bago magtapos ang amnesty program ng pamahalaan ng Saudi Arabia para sa mga illegal foreign workers doon.
“Meron pa natitirang mahigit isang buwan, at sa dami ng mga tumatawag at nag-i-inquire tungkol dito, abutin ng pitong libo ang mga kababayan nating magpapalista para makauwi,” pahayag ni Sumague.
Sa kasalukuyan bilang ng nagpalista, amabot na sa 500 ang mga nakauwi sa Filipinas.