Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Police intel sa Quiapo blasts utas sa ambush

ANG bangkay ni PO2 Abdul Jabbar Alonto, 36, nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), habang inilalabas sa kanyang sasakyan, makaran pagbabarilin ng riding-in-tandem  sa Paco, Maynila, kamakalawa.  (ALEX MENDOZA)
ANG bangkay ni PO2 Abdul Jabbar Alonto, 36, nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), habang inilalabas sa kanyang sasakyan, makaran pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Paco, Maynila, kamakalawa.
(ALEX MENDOZA)

PATAY ang isang intel operative ng Manila Police District (MPD), na kabilang sa nag-iimbestiga sa Quiapo blasts, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem  sa Paco, Maynila kamakalawa.

Hindi umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si PO2 Abdul Jabbar Alonto, 36, nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), tubong Marawi City at naninirahan sa 645 Carlos Palanca St., San Miguel, Maynila.

Base sa imbestigas-yon ng MPD Homicide section, naganap ang insidente dakong 5:40 pm sa San Gregorio at Peñafrancia streets, Paco.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang berdeng Toyota Vios (ZSF-174) ngunit nang siya ay huminto dahil sa stop signal ng traffic light, tinabihan siya ng riding-in-tandem at siya ay pinagbabaril.

Hinala ng mga awtoridad, may kinalaman ang insidente sa naganap na magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila kamakailan, na kabilang ang biktima sa nag-iimbestiga. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …