IPINADALA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 nilang tauhan sa China para sa dalawang linggong pagsasanay, sa pamumuno ng Chinese Coast Guard.
Ang pagsasanay na isasagawa sa Ningbo City, Zheijang province, ay gagawin mula 4-20 Mayo.
Kalahati ng PCG men na ipinadala sa China ay legal officers na dadalo sa China-Philippine Coast Guard Legal Affairs seminar.
Habang ang kalahati ay PCG officers na lalahok sa Junior Officers Law Enforcement Training Course.
Kabilang sa mga paksang tatalakayin sa 17-day program ay maritime law enforcement, search and rescue, and communication.
Sinabi ni Commander Armand Balilo, PCG spokesperson, ang pagsasanay ay may kaugnayan sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang kooperasyon ng China at Filipinas.
Aniya, ang pagpapalitan ng kaalaman ng Chinese at Philippine Coast Guard ay inaasahang magpapabuti sa pagkakaibigan at pagtitiwala ng dalawang bansa sa kabila ng alitan sa South China Sea.
Habang ang PCG men, ay magkakaroon ng pagkakataon na mabisita ang regional unit ng China Coast Guard, at mga lungsod ng Shanghai at Ningbo.
ni ROSE NOVENARIO