ANG talino ni Kim Chiu. At sinasabi namin ito dahil sa pahayag n’ya kamakailan sa isang show sa ABS-CBN 2 na parang may kaugnayan sa maaga n’yang pagpapatawad sa ex-boyfriend n’yang si Gerald Anderson dahil sa nangyari sa relasyon nila noon.
Deklara ni Kim: “Forgive, kahit he is not asking. Kasi the battle is with yourself. Pahihirapan mo lang sarili mo.”
At totoo po na kapag ‘di natin pinatawad ang isang tao, kapag nagkimkim tayo ng galit sa kanya, halos wala namang epekto ang galit at sama natin ng loob sa taong iyon.
Tayo mismong ‘di nagpapatawad ang naaapektuhan ng ganoong attitude natin. May mga pantas sa kalusugan at maginhawang pamumuhay ang nagsasabing ang ano mang uri ng kanser ay resulta ng ‘di pagpapatawad at pagkikimkim ng maraming sama ng loob.
‘Pag may kanser ang isang tao, ibig sabihin ay mistulang nabubulok ang kanyang kalooban—ang internal organs n’ya at mga sistema sa loob ng katawan. Parang nagiging literal ang expression na “sama ng loob.”
KITANG-KITA KO – Danny Vibas