Monday , December 23 2024

Ai Ai, naiyak habang pinanonood ang Our Mighty Yaya

IPINAKUHA na ni Ai Ai de las Alas ang Best Actress trophy na napanalunan niya sa nakaraang ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Kutching City, Malaysia para sa pelikulang Area.

Kuwento ng aktres, “siyempre natuwa ako at na-shock ako at the same time kasi parang tapos na sa movie (category), sabi ko, 10:00 p.m. na, wala pang nagsasabi kung (nanalo) ako, akala ko talo ako, ‘yun pala 10:30 (announcement).

“Ayaw ko mag-expect kasi siyempre kapag hindi ka nanalo, sasakit ang loob mo, kaya ‘wag ka na lang mag-expect. ‘Yung ma-nominate ka, okay na ‘yun sa akin,” pahayag ng Comedy Queen.

Sobrang pasalamat ni Ai Ai sa Panginoong Diyos dahil sa lahat ng blessings na natatanggap niya.

“Siguro mayroon akong ginagawang maganda kaya ganoon, siguro magaan kasama si Gerald (fiancé) at saka wala naman akong sinasagasaang tao, positive lang,” sabi pa ni Mighty Yaya.

At naiyak ang komedyana habang pinanonood ang pelikula, “maganda siya at naiyak ako, hindi pinipilit magpatawa, hindi ka rin pinipilit na umiyak. Normal ang nararamdaman mo. Mga yaya ko umiiyak, daughter-in-law ko umiiyak. Makare-relate ang mga yaya sa movie.”

At dahil nag-guest si Ai Ai sa Tonight With Boy Abunda kamakailan ay tinanong kung babalik na siya ng ABS-CBN.

“Ay promo ko lang ‘yun ng movie (‘Our Mighty Yaya’), pinayagan ako ng GMA, wala pang sinasabi (negosasyon), ayoko pang mag-isip, bahala na si Boy (Abunda-manager niya),” katwiran ng aktres.

Samantala, bagay na pang-Mother’s Day ang pelikulang Our Mighty Yaya ni Ai Ai dahil may aral itong makukuha lalo na sa mga batang lumaki sa pangangalaga ng kanilang yaya dahil parating wala sa tabi nila ang magulang.

Nakare-relate kami sa kuwento ng Our Mighty Yaya dahil may kasambahay kaming kahawig ng kuwento na napipilitang pumasok dahil sa mga obligasyon nila sa pamilya lalo na kung hikahos sa buhay.

Ganito ang kuwento ni Ms A bilang si Virgie na namasukang yaya sa Maynila para mabayaran ang mga utang nila sa probinsiya at mapag-aral sa kolehiyo ang nag-iisang anak. Labag sa kalooban na lisanin ang mag-ama niya pero wala siyang magawa.

Unang araw palang ni Virgie (Ai Ai) sa mga alaga ay nakatikim na siya ng panlalait at pagmamamaldita dahil nga sa hitsura niyang malaki ang ngipin at may amoy dahil nga galing probinsiya.

Nakasundo naman ni Virgie (Ai Ai) ang mga kapwa niya kasambahay kaya maski paano ay lumalakas ang loob niyang manatili sa bahay.

Lahat ng hirap na naranasan ni Virgie (Ai Ai) sa mga alaga ay tiniis hanggang sa nahuli niya ang loob dahil narinig niyang nagsasalita ng Tagalog ang mga ito, bagay na ipinagbabawal pala ng kanilang madrasta.

Nakatutuwang nakaiiyak ang kuwento ng Our Mighty Yaya dahil sa mga sitwasyon at hindi hard sell kaya isa ito sa magandang bentahe ng pelikulang idinirehe ni Jose Javier Reyes na produced ng Regal Entertainment na palabas na ngayong araw nationwide.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *