HAWAK na ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pagsabog sa Quiapo, Maynila, noong 28 Abril.
Iniharap sa media ng Manila Police District ang suspek na si Abel Maca-raya, sinampahan ng kasong multiple frustrated murder at illegal possession of explosives.
Sa nasabing pagsabog noong 28 Abril, 13 katao ang nasugatan sa insidenteng paghihiganti ang motibo laban sa stall owner na sinasabing bumugbog sa isang menor de edad na kaanak ni Macaraya.
Ayon kay MPD Director, Chief Supt. Joel Coronel, si Macaraya ay kinilala ng mga testigo at naispatan din sa CCTV footage habang nag-iiwan ng kahina-hinalang package sa pinangyarihan ng pagsabog.
Dagdag ng MPD chief, inilagay ni Macara-ya ang homemade pipe bomb sa itim na eco bag.
Iniharap ni Coronel ang composite sketch ng isa pang suspek, isang nagngangalang Raymond Mendoza, sinasabing malapit na kaibigan ni Macaraya.
Ayon kay Coronel, ikinanta ni Macaraya si Mendoza at isa pang ngangangalang “Ali Moro” bilang kasabwat sa nasa-bing pagpapasabog.
Samantala, kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na bumugbog sa menor de-edad na kaanak ni Macaraya, ng paglabag sa Child Abuse law.
Itinanggi ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, na magkaugnay ang pagsabog nitong 28 Abril sa Quiapo, at sa dalawang pagsabog sa nasabing erya nitong Sabado.