Saturday , November 16 2024

Janet napoles inabsuwelto ng CA (Sa kasong illegal detention)

050917_FRONT

INABSUWELTO ng  Court of Appeals (CA) si Janet Lim Napoles sa illegal detention case na inihain ng whistleblower na si Benhur Luy.

Binigyang-diin ang “reasonable doubt,” binaligtad ng CA ang desis-yon ng Makati Regional Trial Court, at iniutos ang agarang pagpapalaya kay Napoles. Gayonman, si Napoles ay nahaharap sa iba pang non-bailable cases.

Ang desisyon ng CA ay makalipas ang dalawang buwan makaraan sabihin ni Solicitor Gene-ral Jose Calida, na nagkamali ang lower court sa paglalabas ng guilty verdict sa inakusahang pork barrel mastermind, sa kasong serious illegal detention.

Samantala, sinabi ni Atty. Raji Mendoza, abogado ni Luy, ikinalungkot ng kanilang kampo ang nasabing desisyon ng CA.

“Moving forward, we are still studying our options,” dagdag niya.

Nauna rito, naghain ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Court of Appeals ng “manifestation in lieu of rejoinder,” inirekomenda ang pag-absuwelto kay Napoles sa kasong serious illegal detention sa kanyang se-cond cousin na si Luy.

Ipinunto ng OSG sa manifestion, na noong 10 Hunyo 2013, inirekomenda ng special panel of prosecutors mula sa Department of Justice (DoJ), na idismis ang reklamo ni Luy.

Makaraan ang dalawang buwan imbestigas-yon, sinasabing nabatid ng panel na si Luy ay bo-luntaryong nanatili sa retreat house ng mga pari.

HATAW News Team

Naabsuwelto man
sa illegal detention
NAPOLES WALANG
LUSOT SA PLUNDER

HINDI hihina ang mga kasong plunder laban kay pork barrel scam queen Janet Napoles kahit inabsuwelto siya ng Court of Appeals sa kasong illegal detention, na isinampa laban sa kanya ni Benhur Luy.

Ayon kay Chief Pre-sidential Legal Counsel Salvador Panelo, may iba pang testigo na susuporta sa testimonya ni Luy laban kay Napoles sa mga kasong may kinalaman sa P10 bilyon pork barrel scam kaya walang epekto ang paglusot sa kanya ng CA sa illegal detention case.

“Certainly, the government has a very strong case against her. Moreover, the [serious] illegal detention [case] against her has nothing to do with the plunder case filed against her,” ani Panelo.

“In the illegal detention cases, while the court might not have believed him, in the plunder cases, it’s not only him being presented. Meaning to say, there will corroborative evidence, whether in the form of documents or corroborative witnesses. If Benhur Luy will testify in court and it could be corroborated by other witnesses, supported by do-cuments, then he becomes credible, insofar as plunder cases are concerned,” dagdag niya.

Tiniyak ni Panelo, walang ”sweetheart deal” si Napoles at gobyernong Duterte hinggil sa pagrepaso sa pork barrel cases at ang dahilan nito’y upang mapanagot din ang ibang sangkot na hindi nakasuhan.

(ROSE NOVENARIO)

SOLONS
DESMAYADO
SA ABSUWELTO
KAY NAPOLES

DESMAYADO ang mga mambabatas sa pagpapawalang sala ng Court of Appeals kay pork barrel queen Janet Lim Napoles, sa kasong serious illegal detention.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat magbantay at sabayan ng protesta ng taong-bayan ang mga nakapanlulumong pangyayaring ito.

Para kay Akbayan Party List Rep. Tom Villarin, nasasaksihan na ngayon ang pagsisimula nang pagpapawalang-sala sa malalaking mandarambong kaya’t dapat magbantay ang mamamayan.

Ngunit sinabi ni Villarin, ‘wag pakasiguro si Napoles dahil may iba pa siyang non-bailable cases kaya wala siyang dapat ipagdiwang, dahil ‘di pa tapos ang laban sa katiwalian.

Naniniwala si Deputy Minority Leader Harry Roque, gagamitin ng gob-yerno si Napoles sa kasalukuyang kampanya laban sa ilegal na droga, partikular ang pagbibi-gay ng impormasyon para madiin si Senadora Leila De Lima.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *