Tuesday , April 29 2025

Callamard pro-shabu (Kritiko ng drug war ni Duterte)

NANINIWALA si UN Special Rapporteur Agnes Callamard, ang shabu ay hindi nagdudulot ng pinsala sa utak at hindi rin umano sanhi ng bayolenteng tendensiya sa mga gumagamit nito.

Umani ng batikos sa netizens si Callamard dahil sa kontrobersiyal niyang mensahe sa Tweeter “Prof Carl Hart: there is no evidence Shabu leads to violence or causes brain damage #Philippines drug policy forum” noong Huwebes.

Ang pahayag ni Callamard ay taliwas sa sinabi ni Western Australia Chief Justice Wayne Martin na 95 porsiyento ng armed robberies at kalahati ng murder cases ay itinuturong kagagawan ng mga gumagamit ng shabu.

Sa Filipinas, majority ng sangkot sa karumal-dumal na krimen gaya ng rape at murder ay adik sa shabu.

Marami ang nagdududang ang tinutumbok nang pagbatikos ni Callamard sa drug war ng administrasyong Duterte ay upang ayudahan ang panukala nina Vice President Leni Robredo at Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon na gawing legal ang paggamit ng illegal drugs, gaya ng shabu.

Si Robredo ay nauna nang napabalitang nagmungkahi sa isang pagtitipon ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, na dapat pag-aralan ng gobyernong Duterte ang solusyon sa problema sa droga sa bansang Portugal na inalis ang “criminal liability” ng mga gumagamit ng droga.

“Ang mga kampanya laban sa ilegal na droga na gumamit ng dahas ay hindi nagtagumpay, kaya bakit hindi natin pag-aralan at subukan kung pwedeng hindi na gawing krimen ang drug use ‘tulad ng nangyari sa Portugal,” pahayag ni Robredo.

Habang si Gascon ay idinahilan na siksikan ang mga bilangguan sa bansa dahil sa drug-related offenders kaya dapat nang i-decriminalize ang drug use gaya ng hirit ni Robredo.

Paulit-ulit na sinabi ni Duterte, uubusin niya ang lahat ng sangkot sa illegal drugs hanggang sa huling araw ng kanyang administrasyon sa Hunyo 2022.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *