Saturday , November 16 2024
ANG dalawang biktimang namatay sa pagsabog sa kanto ng Elizondo at Norzagaray streets, Quiapo, Maynila, nitong Sabado. (BONG SON) / ININSPEKSIYON ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang pinangyarihan ng pagsabog sa kanto ng Elizondo at Norzagaray streets sa Quiapo, Maynila nitong Sabado. (ALEX MENDOZA)

Bomb sender sa Quiapo tukoy na

INIHAYAG ng mga imbestigador, batid na nila ang pagkakakilanlan ng taong nagpadala ng bomba sa courier service para ihatid sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao nitong Sabado.

“Mayroon po tayong iniimbestigahan diyan. Of course, mayroon pong log iyan, at ‘yan ang iniimbestigahan natin,” pahayag ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Police Regional Police Office.

Ayon kay Albayalde, pinik-up ng delivery man ng ride-hailing company na Grab, sa erya ng SM Manila, ang bomba at dinala sa Quiapo office ng Muslim cleric, na si Nasser Abinal.

Ang Grab employee at ang lalaking tumanggap ng package ay kapwa namatay nang sumabog ang bomba.

Habang iniinspeksiyon ng mga pulis ang pinangyarihan ng pagsabog nitong Sabado, isa pang pagsabog ang naganap sa lugar, posibleng mula sa pangalawang bomba na itinanim sa lugar.

Sinabi ni Albayalde, ang puntirya ng pagpapasabog ay si Abinal, isang government tax officer sa Manila region.

Wala si Abinal sa kanyang opisina nang maganap ang pagsabog.

Aminado si Albayalde na maaaring peke ang pangalan na ginamit ng suspek sa pagpapadala ng bomba sa pamamagitan ng Grab.

Hinikayat niya ang ride-sharing firms  na higpitan ang security checks upang matiyak na hindi magagamit ang kanilang serbisyo sa mga krimen.

“Dapat alam na siguro nila kung sinong nagpapadala ng package and of course, there should be a declaration already kung anong laman ng package,” aniya.

“Probably, ipa-pack nila iyon right in front of an employee nila to make sure kung anong laman talaga ng package, especially iyong ganyang malalaki.”

Samantala, iginiit ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ang nasabing pagsabog ay walang kinalaman sa terorismo, taliwas sa sinabi ng Islamic State group, na sila ang nasa likod ng pagpapasabog.

“Terrorism is designed to sow fear and terror sa maraming tao. Pero halata naman na ang package is intended para sa isang tao, si Atty. Abinal. Very clear na doon pinasabog noong natanggap na ang package sa kanyang lugar. Para sa kanya lang talaga iyon,” pahayag ni Dela Rosa.

SUSPEK SA APRIL 28
QUIAPO BLAST
HAWAK NA NG PNP

INIHARAP sa media ni Manila Police District director, Chief Supt. Napoleon Coronel,  ang isa sa mga suspek sa April 28 Quiapo blast, na si Abel Macaraya, makaraan mahuli sa follow-up operation ng mga awtoridad sa kalapit na lugar. (BONG SON / BRIAN GEM BILASANO)
INIHARAP sa media ni Manila Police District director, Chief Supt. Napoleon Coronel, ang isa sa mga suspek sa April 28 Quiapo blast, na si Abel Macaraya, makaraan mahuli sa follow-up operation ng mga awtoridad sa kalapit na lugar. (BONG SON / BRIAN GEM BILASANO)

HAWAK na ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pagsabog sa Quiapo, Maynila, noong 28 Abril.

Iniharap sa media ng Manila Police District ang suspek na si Abel Maca-raya, sinampahan ng kasong multiple frustrated murder at illegal possession of explosives.

Sa nasabing pagsa-bog noong 28 Abril, 13 katao ang nasugatan sa insidenteng paghihiganti ang motibo laban sa stall owner na sinasabing bumugbog sa isang menor de edad na kaanak ni Macaraya.

Ayon kay MPD Director, Chief Supt. Joel Coro-nel, si Macaraya ay kinilala ng mga testigo at naispatan din sa CCTV footage habang nag-iiwan ng kahina-hinalang package sa pinangyarihan ng pagsabog.

Dagdag ng MPD chief, inilagay ni Macara-ya ang homemade pipe bomb sa itim na eco bag.

Iniharap ni Coronel ang composite sketch ng isa pang suspek, isang nagngangalang Raymond Mendoza, sinasabing malapit na kaibigan ni Macaraya.

Ayon kay Coronel, ikinanta ni Macaraya si Mendoza at isa pang ngangangalang “Ali Moro” bilang kasabwat sa nasa-bing pagpapasabog.

Samantala, kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na bumugbog sa menor de-edad na kaanak ni Macaraya, ng paglabag sa Child Abuse law.

Itinanggi ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, na magkaugnay ang pagsa-bog nitong 28 Abril sa Quiapo, at sa dalawang pagsabog sa nasabing erya nitong Sabado.

GEN. BATO NAG-SORRY
SA QUIAPO BLASTS

090616 bato dela rosa PNP

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa naganap na pagsabog sa Quiapo.

“We are very sorry… Nalusutan tayo,” pahayag ni dela Rosa sa press conference makaraan ang PNP flag-raising ceremony kahapon.

Naganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong Sabado, ikinamatay ng dalawa katao, kinilala ang isa na si Mohamad Bainga at ang delivery man na naghatid ng package na may lamang bomba.

Ayon sa pulisya, ang puntirya ng bomba ay si Nasser Abinal, ang Shiite Muslim cleric.

Samantala, ipinatawag ni Senador Koko Pimentel ang intelligence officials para ipaliwanag ang pagkabigong pigilan ang mga pagsabog.

Sinabi ni Dela Rosa, “Other intelligence agencies must be given time to explain bakit nangyari.”

Dagdag niya, hindi sila naghahanap ng alibi.

“Sorry, may sumabog. Hindi kami naghahanap ng alibi. I am very sorry about that,” aniya.

Gayonman, sinabi ni Dela Rosa, kung nalulusutan ang Central Intelligence Agency na may malaking intelligence fund, ganito rin sa Filipinas.

“Kung CIA, malaki ang intelligence fund, nakatutok sa lahat ng bagay, tinamaan pa rin sa Amerika, dito pa sa Filipinas,” aniya.

Sa Quiapo blasts
INTEL OFFICERS
MAGPALIWANAG
— PIMENTEL

050917 AFP NBI PNP

PINAGPAPALIWANAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan  sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao.

Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng pamahalaan.

Ipinagtataka ni Pimentel na sa kabila ng naglalakihang mga pondong inilaan dito ng pamahalaan ay nalusutan sila ng dalawang magkasunod na pambobomba.

Sinabi ni Pimentel, hindi niya lubos maunawaan o maisip kung bakit nangyari ito at hindi natunugan ng pamahalaan.

Nais ni Pimentel na idetalye ng mga intelligence agency ng pamahalaan kung paano at kung saan-saan nila ginagastos ang pondong nakalaan sa kanila.

Nagbanta si Pimentel, sa sandaling humiling ng dagdag na pondo ang intelligence agency ay siya ang unang tututol o haharang dito hangga’t bigo silang maipaliwang ang kanilang paggastos sa kanilang pondo.

(NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *