Monday , December 23 2024

Shiite Muslim cleric na BIR officer target sa Quiapo blast

050817_FRONT
NANINIWALA ang pulisya na isang Shiite Muslim cleric ang puntirya sa pagpapasabaog na ikinamatay ng dalawa katao sa Quiapo, Maynila, nitong Sabado ng gabi, at mariing itinanggi ang pagkakasangkot ng mga terorista sa insidente.

Anim katao ang nasugatan sa dalawang pagsabog sa opisina ng imam na si Nasser Abinal, sa Quiapo district.

Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, puntirya sa nasabing pagpapasabog si Abinal, isa ring government tax officer sa Manila region. Wala siya sa kanyang opisina nang maganap ang insidente.

“He admitted there were threats to his life in the past,” pahayag ni Albayalde.

Ang bomba ay nakala-gay sa package na inihatid ng delivery man at tinanggap ng empleyado ni Abinal, kapwa namatay ang dalawa sa insidente.

“This has nothing to do with terrorism. There is no indication that this was done by a terror group, local or foreign,” dagdag ni Albayalde.

HATAW News Team

Blast victims kilala na
BLAST VICTIMS
KILALA NA

ANG dalawang biktimang namatay sa pagsabog sa kanto ng Elizondo at Norzagaray streets, Quiapo, Maynila, nitong Sabado. (BONG SON) /  ININSPEKSIYON ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang pinangyarihan ng pagsabog sa kanto ng Elizondo at Norzagaray streets sa Quiapo, Maynila nitong Sabado.  (ALEX MENDOZA)
ANG dalawang biktimang namatay sa pagsabog sa kanto ng Elizondo at Norzagaray streets, Quiapo, Maynila, nitong Sabado. (BONG SON) /
ININSPEKSIYON ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang pinangyarihan ng pagsabog sa kanto ng Elizondo at Norzagaray streets sa Quiapo, Maynila nitong Sabado.
(ALEX MENDOZA)

KINILALA na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilan sa mga nasugatan sa magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Sa unang pagsabog, kabilang sa mga nasugatan sina Jaber Gulam, tubong Lanao Del Sur; Datu Sohair Adapun, tubong Marawi City; at Hajhi Ali, ng Gunao, Quiapo.

Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang sugatan.

Sa ikalawang pagsa-bog na naganap habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga awtoridad, kinilala ang mga nasugatan na sina Chief Inspector Elisa Arturo, chief chemist ng Manila Police District (MPD) Crime Lab, at si PO2 Aldrin Resos, ng EOD unit ng MPD.

Ang isa sa mga namatay ay kinilalang si Mohamad Bainga.

Samantala, isang kahina-hinalang bag na naka-kabit sa upuan ng isang motorsiklo ang natagpuan sa kalapit na Globo de Oro street.

Ginamitan ito ng bomb disruptor ngunit natuklasang naglalaman lamang ng paper bag at karton.

Kaugnay nito, nagpaalala ang NCRPO sa publiko na manatiling kalmado sa kabila nang naganap na mga pagsabog.

Sa pahayag na inilabas ni NCRPO Director Oscar Albayalde, tiniyak niyang kontrolado ng Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon.

Hiniling ni Albayalde sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon, lalo sa social media, upang maiwasan ang panic.

Hinimok ni Albayalde ang publiko na maging mapagmatyag at i-report agad sa pulisya kung may napapansin silang kahina-hinala sa paligid.

2 persons of interest
nasa kustodiya na ng PNP
QUIAPO LOCKDOWN
KAHAPON

MAHIGPIT na binatayan ng mga kagawad ng Manila Police Distirct ang mga establisiyemento at mga kalye patungo sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila kahapon (Linggo, 7 Mayo 2017) matapos ang dalawang ulit na pagsabog nakaraang Sabado ng gabi sa nasabing lugar na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim na kinabibilangan ng dalawang pulis. (PNA/Avito C. Dalan/BRIAN GEM BILASANO)
MAHIGPIT na binatayan ng mga kagawad ng Manila Police Distirct ang mga establisiyemento at mga kalye patungo sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila kahapon (Linggo, 7 Mayo 2017) matapos ang dalawang ulit na pagsabog nakaraang Sabado ng gabi sa nasabing lugar na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim na kinabibilangan ng dalawang pulis. (PNA/Avito C. Dalan/BRIAN GEM BILASANO)

INIHAYAG ng hepe ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo, ang Quiapo district sa Maynila, ay naka-lockdown kasunod nang magkasunod na pagsabog sa erya nitong Sabado ng gabi, na ikinamatay ng dalawa katao, at ikinasugat ng anim iba pang mga biktima.

“As of yesterday naka-lock down na ang Quiapo while the post blast investigation is ongoing,” pahayag ni MPD director, Chief Supt. Joel Coronel.

Aniya, naglatag na ng checkpoints sa entry at exit points at nagtalaga ng karagdagang mga pulis sa nasabing distrito.

“We have strengthened our checkpoints and visibility sa area na ‘yan. Tututukan natin ‘yan until mahanap natin ‘yung suspects nito. Expect po na mas marami po ang visibility patrols natin at saka operations also in that area,” dagdag ni Coronel.

Ilang miyembro ng Philippine Army ang itina-laga sa Quiapo upang mapalakas ng puwersa ng mga awtoridad.

Sa kabila ng presensiya ng mga pulis at sundalo sa Quiapo, pinahihintulu-tan pa rin ang mga tao na lumabas at pumasok sa distrito.

Ilang stalls at iba pang business establishments, kabilang ang malapit sa blast site, ay binuksan na kahapon.

Samantala, sinabi ni Coronel, inaresto na ang dalawang “person of inte-rest.”

“Sila ‘yung pinaghihinalaan natin na konektado dito sa pagbsabog. Noong time na sila ay sini-ta hindi po sila makapagbigay ng convincing information bakit nandoon sila sa area. Ongoing pa ang investigation sa kanila ngayon,” ayon kay Coronel.

Aniya, ibinasura ng mga imbestigador ang posibilidad na suspek sa insidente ang taong nag-deliver ng package na naglalaman ng bomba, sa unang pagsabog.

“Kagabi sa initial investigation, ang ating hinala ay siya mismo ang suspect na nag-deliver ngunit na-verify natin na totoo po na siya ay em-pleyado ng delivery company,” aniya.

Ang empleyado ng delivery firm ay namatay sa insidente, gayondin ang taong tumanggap ng package.

Sinundan ito ng pangalawang pagsabog, na ikinasugat ng dalawang pulis habang nag-iinspeksiyon sa lugar.

Kasunod ng Quiapo twin blasts
PUBLIKO MAGING ALERTO
PERO KALMADO – PALASYO

090716 Ernesto Abella malacanan

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado ngunit alerto kasunod nang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Habang gumugulong ang imbestigasyon, hi-nimok ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga mamamayan na iulat sa mga awtoridad ang ano mang kaduda-dudang aktibidad o pagkilos sa kanilang komunidad.

Labis aniyang nalungkot ang Malacañang sa pagkamatay ng mga biktima, at umaasa sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan.

Hiling ni Abella, tigilan ang pagpapadala ng mga balita mula sa hindi beri-pikadong sources, na maaaring magdulot ng alarma at panic.

“We are saddened by the loss of lives brought by yesterday’s night explosions in Quiapo. We likewise wish for the immediate recovery of those who were wounded. While investigation is now ongoing, we ask the public to remain alert and immediately report to authorities any suspicious activity or movement.Also, we urge our people to refrain from forwarding news from unverified sources that may cause undue alarm and panic,” ayon kay Abella.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *