INIHAYAG ng hepe ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo, ang Quiapo district sa Maynila, ay naka-lockdown kasunod nang magkasunod na pagsabog sa erya nitong Sabado ng gabi, na ikinamatay ng dalawa katao, at ikinasugat ng anim iba pang mga biktima.
“As of yesterday naka-lock down na ang Quiapo while the post blast investigation is ongoing,” pahayag ni MPD director, Chief Supt. Joel Coronel.
Aniya, naglatag na ng checkpoints sa entry at exit points at nagtalaga ng karagdagang mga pulis sa nasabing distrito.
“We have strengthened our checkpoints and visibility sa area na ‘yan. Tututukan natin ‘yan until mahanap natin ‘yung suspects nito. Expect po na mas marami po ang visibility patrols natin at saka operations also in that area,” dagdag ni Coronel.
Ilang miyembro ng Philippine Army ang itina-laga sa Quiapo upang mapalakas ng puwersa ng mga awtoridad.
Sa kabila ng presensiya ng mga pulis at sundalo sa Quiapo, pinahihintulu-tan pa rin ang mga tao na lumabas at pumasok sa distrito.
Ilang stalls at iba pang business establishments, kabilang ang malapit sa blast site, ay binuksan na kahapon.
Samantala, sinabi ni Coronel, inaresto na ang dalawang “person of inte-rest.”
“Sila ‘yung pinaghihinalaan natin na konektado dito sa pagbsabog. Noong time na sila ay sini-ta hindi po sila makapagbigay ng convincing information bakit nandoon sila sa area. Ongoing pa ang investigation sa kanila ngayon,” ayon kay Coronel.
Aniya, ibinasura ng mga imbestigador ang posibilidad na suspek sa insidente ang taong nag-deliver ng package na naglalaman ng bomba, sa unang pagsabog.
“Kagabi sa initial investigation, ang ating hinala ay siya mismo ang suspect na nag-deliver ngunit na-verify natin na totoo po na siya ay em-pleyado ng delivery company,” aniya.
Ang empleyado ng delivery firm ay namatay sa insidente, gayondin ang taong tumanggap ng package.
Sinundan ito ng pangalawang pagsabog, na ikinasugat ng dalawang pulis habang nag-iinspeksiyon sa lugar.