KASABAY ng imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa sanhi nang pagbagsak ng isa nitong helicopter sa Tanay, Rizal, susuriin din ang kondis-yon ng iba pa nilang UH-1D helicopters.
Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal na galawin ang crash site habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Air Force.
Habang mananatiling naka-half-mast ang pambansang watawat sa mga lugar na pinagsilbihan ng tatlong miyembro ng PAF, na binawian ng buhay sa helicopter crash.
Samantala, inihatid na ng PAF sa mga naulilang pamilya ang labi ng mga biktimang sina Captain Christian Paul Litan, Staff Sergeant Byron Tolosa, at Airman First Class Joseph De Leon.
Bago dalhin sa kanilang mga kaanak, ginawaran muna ng arrival honors ang kanilang mga labi sa Villamor Airbase.