DASMARIÑAS – Uma-bot sa 150 kabahayan ang natupok nang masunog ang isang residential area, nitong Sabado ng mada-ling araw.
Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na sumiklab sa Sanitary Compound, Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite.
Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng apoy, ngunit hinihinalang mula ito sa bahay ng isang residenteng nakaiwan nang nakasinding gasera nang lumabas ng kanyang tahanan para bumili sa tindahan.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kata-bing bahay dahil dikit-dikit at gawa sa light materials.
Isang bata ang napaulat na nawawala, ngunit natagpuan din ng kanyang magulang.
Dalawa ang naitalang bahagyang nasugatan sa insidente. Ayon kay Chief Insp. Bernard Rosete, city fire marshal ng Dasmariñas, inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga ari-arian natupok at napinsala sa nasabing insidente.