Saturday , November 16 2024

Callamard biased — Palasyo

BIASED ang mga opinyon ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard, batay lang sa tsismis at mga report ng media kaugnay sa mga patayan bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte.

Ito ang buwelta ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa naging talumpati ni Callamard sa 30th anniversary ng Commission on Human Rights (CHR) sa Diliman, Quezon City, kahapon.

“She just cannot come here and read newspaper reports and hear the talks of some critics and watch some videos and make a conclusion that there is something wrong the way this government is doing its job. What I’m questioning is the basis of her conclusion, which is based on hearsay and some reports coming from whoever and from wherever,” ani Panelo.

Hindi aniya sinagot ni Callamard ang imbitas-yon sa kanya ng Palasyo na bumisita sa bansa at makipagtalakayan sa mga opisyal ng gobyerno hinggil sa estado ng human rights sa bansa.

Ani Panelo, paano nagkaroon ng konklusyon si Callamard gayong batay sa mga nabasa ni-yang ulat, at napanood na videos ay nasabi nang mali ang pagsasagawa ng drug operations ng awtoridad sa bansa.

“She was saying she read reports, she saw some videos, and on the basis of that, she made a conclusion that the operation against the drug menace in this country is wrong. How can she make that kind of conclusion when she only read the reports of some people and saw some videos?” giit niya.

Kailangan aniyang magsagawa nang malayang imbestigasyon si Callamard hinggil sa mga nangyayari sa Filipinas kaya nga siya inanyayahan ni Pangulong Duterte na bumisita sa bansa ngunit hindi tumugon ang special rapporteur.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, desmayado ang Palasyo kay Callamard sa hindi pag-abiso na darating sa bansa.

Malinaw na senyales aniya ito na hindi interesado si Callamard na magkaraoon ng patas na perspektiba na pangunahin niyang responsibilidad bilang special rapporteur.

Giit ni Abella, itinaon ni Callamard ang pagbisita sa bansa sa panahon na nagtungo sa Geneva ang isang senior-level delegation ng Filipinas upang makipag-usap sa mga opisyal ng Office of the United Nations High Commission for Human Rights.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *