UMABOT 26 preso sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila, ang namatay dahil sa sakit bunga nang siksikang mga kulungan.
Ayon kay National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, simula 1 Hulyo 2016 nang magsimula silang makapagtala ng mga namamatay na preso.
Dagdag ni Albayalde, biglang lumobo ang bilang ng mga nakakulong dahil sa kampanya sa ilegal na droga.
Ang problema, hindi nila basta mailipat ng kulungan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hangga’t walang court order.
Sa Taguig City, nasa 18 na ang namamatay na preso.
Nitong Biyernes, binisita ni Albayalde ang Manila Police District Integrated District Jail, at iniulat ni MPD Chief Joel Coronel, na sa nakalipas na anim buwan ay anim preso ang namatay sa piitan nila.
Kabilang sa mga dahilan ng pagkamatay ng preso ay sakit na tuberculosis, cardiac arrest, blood infection, gastroenteritis, at poor hygiene sa kulungan.
May 15 preso ngayon sa MPD Integrated District Jail ang nangangailangan ng atensiyong medikal, kabilang ang isang tatlong buwan buntis na bilanggo.
Binisita na ng mga tauhan ng Manila City Health Office ang mga nasabing preso.
Sinasabing overcrow-ded ang MPD Integrated District Jail, may kapasidad lamang na 100 ngunit nasa 168 ang nakakulong.
Sa 11 detention cells sa buong MPD, nasa 725 ang nakakulong, gayong 595 lamang ang kapasidad.