KAHANGA-HANGA ang paninindigan ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa kabila nang harapang pang-iinsulto sa kanya ni Sen. Tito Sotto kaugnay sa pagiging solo parent niya.
Para sa Gabriela Party-list group, isang inspirasyon si Taguiwalo sa mga napabayaang kababaihan sa lipunan kaya karapat-dapat siyang makompirma ng Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We commend Sec. Taguiwalo for standing her ground despite the insults. She is an inspiration to marginalized women and is more than deser-ving of a confirmation from the CA,” anang Gabriela Party-list group.
Binigyan-diin ng grupo, hindi makatuwiran na insultuhin ang solo parents, kasama si Taguiwalo, dahil wala siyang kasama sa buhay.
“Solo parents, inclu-ding DSWD secretary should in no way be at the receiving end of such insults,” anang grupo.
Isang oras makaraan, hilingin ng Gabriela ang public apology ni Sotto, depensibong humingi ng paumanhin ang senador ngunit sa katuwiran na masyado lang balat-sibuyas ang ilan sa kanyang biro kay Taguiwalo.
Sa CA confirmation hearing kahapon, tinawag ni Sotto na ‘na-ano’ lang si Taguiwalo dahil may dalawang anak siya ngunit walang asawa.
Nagtawanan ang lahat ng nasa gallery ng Senado ngunit si Taguiwalo ay mahinahon na ipinaliwanag na hindi normal ang kanyang naging buhay dahil sa pag-oorganisa sa masa at pa-kikibaka sa bulok na sistema.
Ani Taguiwalo, mula 1972 hanggang 1986 ay namuhay siya sa kilusang lihim at may panahon din na naging political detainees.
“Okay. My life has never been a normal one. I’ve never had a whole ‘mother-father-children’ kind of thing except when I was growing up in Bacolod. Remember, I graduated from UP in 1970, I did organizing work. From 1972 up to the 1986, it has been a life underground or in prison. So, my story would be different from the stories of those who have gone through corporation, etc,” ani Taguiwalo.
Sinabi ni Taguiwalo kay Sotto, nagturo siya ng women’s studies sa UP at iginagalang nila ang lahat ng uri ng pamilya, kabilang rito ang solo parents.
“Senator Sotto, I teach women’s studies in UP so we respect all kinds of families, and that includes solo parents. Thank you,” nakangiting wika ni Taguiwalo.
Inulan nang matin-ding pagbatikos si Sotto sa netizens at nag-trending ang #walanganolang ikalawa sa bar exam results, bilang pagbatikos sa kabastusan ni Sotto sa kababaihang solo pa-rents.
(ROSE NOVENARIO)