Monday , December 23 2024

Pondo ng PCOO napunta sa isinuka ng TV station

NAWAWALDAS ang pera ng bayan sa pagpapasuweldo sa ilang opisyal at tauhan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na hindi nagtatrabaho at panay lang ang display na animo’y dekorasyon sa mga pagtitipon ng Palasyo.

Ayon sa ilang desmayadong kawani at reporters, kaduda-duda ang paghahakot ng mga bagong opisyal at kawani sa PCOO mula sa isang naluluging TV network gayong may sapat na empleyado ang kagawaran at iba pang ahensiyang nasa ilalim nito sa nakalipas na i-lang administrasyon.

Kapansin-pansin anila ang presensiya nito sa malalaking events ng PCOO, at foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte gayong hindi naman kailangan na naroon sila.

“Para silang figurines na binihisan pero walang silbi at kumukubra lang ng suweldo at benepisyo para lang masabing may trabaho pero walang silbi sa gobyerno,” anang isang reporter.

Isa anila sa mga pabigat sa gobyerno ang isang dating mamamahayag na nag-ambisyon na magreyna-reynahan sa government-controlled PTV-4 ngunit pumalpak kaya sinipa agad matapos ang ilang buwan.

Ngunit hindi natapos ang kalbaryo ni Juan dela Cruz sa ex-reporter dahil inilipat lang siya sa isang tanggapan sa PCOO sa New Executive Building.

Noong nakalipas na ASEAN Leaders’ Summit ay kasama pa siya sa mga kawani at opisyal ng PCOO na nag-check-in nang ilang araw sa Conrad Hotel, isang six-star hotel sa Pasay City.

Nakipagsiksikan sa mga reporter habang pasakay sa coaster mula sa International Media Center sa Conrad Hotel patungong PICC kahit wala naman siyang mahalagang papel doon.

Pasimuno umano ang ex-reporter sa pag-oorganisa ng media night sa isang high-end bar sa Bonifacio Global City na nilangaw dahil hindi pinuntahan ng mga mamamahayag maliban sa kulang 10 reporters.

“Naaksaya ang malaking halaga sa flop media night, ini-reserve ang lugar ng ilang oras para sa 400 katao pero mga taga-PCOO lang ang nagpunta,” sabi pa ng source.

“Nawewengweng na yata ang ex-reporter dahil bitter sa pagkasibak sa PTV4 at parang hipon na maganda kapag walang ulo,” anang isang mamahayag.

Dahil sa kabiguan niyang makakopo ng puwesto, pang-iintriga na lang ang pinagkakaaba-lahan ng ex-reporter at mistulang patabaing ahas na inaalagaan sa PCOO.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *