ISTORBO lang sa legislative works sa Kamara ang inihaing impeachment complaint laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi magtatagumpay ang inihaing impeachment complaint.
Sinabi ni Panelo, parehong propaganda lamang ang reklamo.
Iginiit niyang noon pa man, malinaw ang pahayag ng Pangulo, na hindi impeachment ang tamang paraan para patalsikin ang mga opisyal ng gobyerno na inihalal ng taong bayan. (ROSE NOVENARIO)