Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ILAI ni Direk Dan, pumalo agad sa ratings; Luck At First Sight, Grade A sa CEB

SINUSUWERTE si Direk Dan Villegas dahil nagtala ng 17% ang pilot episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin noong Lunes, Mayo 1, kaya ang saya-saya ng KimErald fans at siyempre ng dalawang bidang sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Partida pa ýan dahil hindi pa ipinakikita ang KimErald, huh, mga batang Kim at Gerald palang ang umere na sobrang pinupuri naman ng netizens dahil ang gandang bata ng young Kimmy at kamukha naman nina ‘Ge at Jake Cuenca ang mga batang gumanap.

Maganda naman ang pagkaka-build up sa mga batang nagsiganap dahil buo kaya kaabang-abang talaga ang balik-tambalang seryeng ito nina Kim at Gerald.

Ang bilis ng pacing kaya bago matapos ang isang linggong episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin ay lumaki na sina Kim at Gerald kaya naman hiyawan to the max ang loyalistang supporters nila sa ginanap na advance screening sa Trinoma Cinema 7 noong Linggo.

At kaya namin sinabing ‘sinusuwerte’ si direk Dan ay dahil nakakuha naman ng Grade A sa Cinema Evaluation Board ang pelikulang Luck at First Sight nina Bela Padilla at Jericho Rosales na nagsimulang ipalabas kahapon.

Kapupulutan ng aral ang pelikulang Luck at First Sight para sa mahihilig magsugal.

Base sa kuwento ng Luck at First Sight ay naniniwala si Jericho na suwerte niya si Bela dahil nasalo nito ang nilalarong bola pero ang dalaga ay hindi naniniwala.

Okay ang pelikulang idinirehe ni Villegas mula sa Joyce Bernal Productions, Viva Films, at N2 Productions na napapanood na  dahil cute sina Echo at Bela sa screen.

Mabuti na lang at tapos na ang Luck at First Sight dahil kung isinabay ito ni direk Dan sa Ikaw Lang Ang Iibigin, baka mahirapan siya.

Anyway, siya rin kaya ang direktor sa pelikula ng Quantum Films na balik-tambalan nina Echo at Jennylyn Mercado na isasama sa Metro Manila Film Festival 2017.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …