Saturday , November 16 2024

China dapat pakalmahin si Jong-Un ng NoKor (Nuke war para mapigil) — ASEAN

NAGKAISA ang sampung bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kailangan maging masidhi ang pagkombinsi ng China sa North Korea upang iatras ang pag-uudyok ng nuclear war sa Amerika.

“Yes, I think there was an agreement that China has to exert more effort in exercising its influence over DPRK,” sabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Executive Director for ASEAN Affairs Zaldy Patron, sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Giit ni Patron, batid ng lahat na maganda ang relasyon ng China at North Korea at sakaling makatulong ang Beijing para mapahupa ang tensiyon sa Korean Peninsula sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay NoKor leader Kim Jong-Un, ay makabubuti ito sa rehiyon.

“We know very well that it has good relations than most countries with DPRK. And if China can try to defuse the tension in the Korean Peninsula by talking to the leader of DPRK, that will be good for the region,” aniya.

Ang mahalagang papel na gagampanan ng China sa pagpapakalma sa NoKor ang tuntungan ng hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump, na huwag patulan si Kim, nang mag-usap sila sa telepono nitong Sabado ng gabi.

Umaasa ang Palasyo, ang panawagan ng ASEAN sa US at China na gumawa ng hakbang upang maunsyami ang iniaambang nuke war ni Kim, ay para manatili ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.

Ikinuwento ni Pangulong Duterte, pinayuhan niya si Trump na huwag sindakin si Kim dahil hindi niya kayang yanigin sa kanyang firepower.

Sinabi niya kay Trump na ang wastong diskarte upang mapahupa ang iringan ng US at North Korea ay kapag namagitan ang China.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *