LUMOBO ang bilang ng mga maralitang lungsod dahil binansot ng kontraktuwalisasyon ang kita ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa.
“Contractualization has stunted the salaries of millions of workers around the country. With rising prices of basic commodities, they have no hope of economic relief for as long as endo practices continue to remain in place,” anang Labor Day Message ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon kahapon.
Giit ni Ridon, umiiral pa rin ang kontraktuwali-sasyon bilang patakaran ng mga negosyante at ang bagong anti-contractualization policy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay naging limitado lang sa mga batas na nagpapahintulot ng Endo (end of contract)
Ang kakarampot na sahod ng mga obrero ang nagtutulak sa milyon-milyong endo workers na maging iskuwater dahil hindi nila kayang magba-yad ng upa sa maayos na tirahan.
Gumagapang din aniya sa hirap ang Endo workers para matustusan ang pag-aaral ng mga anak at magpagamot kapag nagkasakit.
Hirit ni Ridon, serti-pikahan bilang urgent ng Palasyo ang isang batas na magbabawal sa endo bilang paraan ng em-pleyo.
Kaugnay nito, magpapalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na magpapatupad ng istriktong implementasyon ng endo.
Sa talumpati ng Pangulo sa Araw ng Paggawa ngayong araw sa Peoples Park sa Davao City, sinabi niya na kukuha siya ng karagdagang labor inspector para magbantay sa iba’t ibang kompanya sa bansa.
Nakiusap din ang pangulo sa labor union na magsagawa ng pag-iinspeksiyon sa mga establis-yemento.
Apela ng pangulo sa labor unions, magbigay ng tamang report dahil kapag in-adopt niya ang report at napahiya lamang siya, tiyak na magkakaroon ng problema ang working relationship ng pamahalaan at ng labor group.
Nanindigan ang pa-ngulo na pursigido siyang tuldukan ang endo.
(ROSE NOVENARIO)