NAPABILIB ni Pangulong Rodrigo Duterte si US President Donald Trump sa husay niya sa psywar at ‘geopolitics.’
Nang mag-usap ang dalawang leader nitong Sabado ng gabi, ipinayo ni Duterte kay Trump na huwag sindakin si North Korean President Kim Jong-un dahil hindi niya mayayanig sa kanyang firepower.
Ikinuwento ni Pangulong Duterte, sinabi niya kay Trump na ang wastong diskarte upang mapahupa ang iringan ng North Korea at US ay kapag namagitan na ang China.
“Sinabi ko lang we’re as concerned I suppose you have your persuasive power there has to be sense somewhere Mr. President I dont think you can scare Kim Jong-un with firepower. Our greatest chance there of getting some dialogue with America and North Korea was through the intercession of China,” aniya makaraan bisitahin ang Chinese People’s Liberation Army Navy Flagship – Destroyer Changchun sa Sasa Port, Sasa, Davao City kahapon.
Makaraan makausap ni Trump si Duterte ay nag-tweet ang US President na binastos ng North Korea ang kagustuhan ng China at ang iginagalang nitong Pangulo ng China na si Xi Jinping.
Ang psywar ay tumutukoy sa ano mang aksi-yon na ginagawa para makaimpluwensiya sa mga taong target na paniwalain.
Habang ang geopolitics ay isang pag-aaral ng mga epekto ng geography sa international politics at international relations.
Giit ni Duterte, inihayag niya kay Trump na nababahala ang lahat ng bansa sa ASEAN, sa posibleng pagsiklab ng nuclear war dahil sa ma-tinding pinsalang idudulot nito.
“It is the concern of everybody not only with us but ASEAN guys heads of state express their fear of an outbreak because of the threat of nuclear warhead all out niyan fallout niyan. Would include China, alam nila pati tayo the Philippines is within striking distance of their missile,” dagdag niya.
Walang ipinangakong petsa si Duterte kay Trump kung kailan bibisita sa Amerika nang anyayahan siya ng US Pre-sident, dahil may nakatakda siyang biyahe sa Russia at Israel ngayong taon.
“I’m tied up. I cannot make any definite promise. I’m supposed to… to Russia. I’m also supposed to go to Israel,” aniya.
Ipinagtanggol ni Duterte sa paglambot muli sa Amerika taliwas sa matinding pagbatikos niya sa imperyalismo ng US noong administras-yong Obama.
Katuwiran niya, hindi naman siya dumistansiya sa US at ang hidwaan ay sa pagitan lang nila ni Obama at US State Department nito, na lantaran ang pagbatikos sa kanya.
“Nothing of the sort actually. It was not a distancing but it was rather a rift between me maybe and the state department and Mr. Obama was openly against me. Things have changed, the new leadership wants to make friends… why do we have to pick a fight?” anang Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)
WASHINGTON DUMIPENSA
SA IMBITASYON NI TRUMP
KAY DUTERTE
WASHINGTON – Ipinaliwanag ng Washington ang intensiyon ng pag-imbita ni US Pres. Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House.
Magugunitang makaraan ang ASEAN Leaders’ Summit nitong Sabado, nagsagawa ng ‘friendly call’ kay Pangulong Duterte si Trump at tinalakay ang anti-drug war ng Filipinas at alyansa ng dalawang bansa.
Sinabi ni White House chief of staff Reince Priebus, naniniwala siyang may kinalaman sa tensi-yon sa Korean Peninsula ang pagtawag ni Trump kay Duterte.
Ayon kay Priebus, nakababahala ang mga development sa North Korea at kailangan ng US ang kooperasyon sa lahat ng antas sa mga kaalyado o partners sa rehiyon.
“The issues facing us, developing out of North Korea, are so serious that we need cooperation at some level with as many partners in the area as we can get,” ani Priebus.
POPE FRANCIS:
3rd COUNTRY DAPAT
MAMAGITAN SA US
VS NORTH KOREA
DAPAT may mamagitan na third country sa papainit na iringan ng North Korea at US na posibleng humantong sa nuclear war at magdudulot ng delubyo sa sanlibutan.
Sinabi ni Pope Francis kamakalawa, nakahanda siyang makipagkita kay US President Donald Trump sa Europe sa su-sunod na buwan.
Kailangan aniyang muling igiit ng United Nations ang liderato sa mundo dahil naging ‘malamya’ na ito sa mga isyung kinakaharap ng iba’t ibang bansa.
“I call on… all leaders… to work to seek a solution to problems through the path of diplomacy,” anang Santo Papa.
Diplomatic solution aniya ang dapat maging sagot sa nakaambang nuke war at maraming bansa ang puwedeng maging facilitator gaya ng Norway, upang mailigtas ang sanlibutan sa kapahamakan.
(ROSE NOVENARIO)