KORONADAL CITY – Masusing iniimbestigahan ng Koronadal City PNP ang insidente ng pagsaksak sa isang myembro ng LGBT sa lungsod ng Koronadal, kamakalawa.
Kinilala ang biktimang sa alyas na Christopher, 24, residente sa Brgy. GPS sa lungsod ng Koronadal.
Ayon sa pulisya ang biktima ay nakipagkita sa kanyang textmate kasama ang apat pang lalaki.
Agad sumama ang biktma sa limang lalaki sakay sa motorsiklo at dinala siya sa pampublikong sementeryo sa Brgy. New Pangasinan.
Aminado ang biktima na nakipagtalik siya sa dalawa sa limang lalaki.
Makaraan makipagtalik sa dalawa, hindi na kinaya ng kanyang katawan kaya siya ay umayaw na.
Ngunit nagalit ang tatlo pang hindi niya nakatalik, nagresulta sa pagsaksak ng mga suspek sa biktima.
Ang biktima ay may mga tama ng saksak sa tiyan, kili-kili at sa ibabang bahagi ng kanyang dibdib.
Iniwan siya ng mga suspek sa sementeryo at masuwerteng may nakakita sa kanya na siyang nagdala sa kanya sa pagamutan.
Napag-alaman, hindi alam ng biktima ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil textmate lamang niya ang isa sa mga lalaki.
20-ANYOS KELOT
GINAHASA NG BADING
INARESTO ng mga awtoridad ang isang 26-anyos bading makaraan halayin ang isang 20-anyos lalaki sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Arlo Dapuran, nakatira sa Phase 10-B, Pkg. 6, Blk. 6, Lot 9, Brgy. Bagong Silang, ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktimang si James, estudyante ng Alternative Learning System, pauwi sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar nang bigla siyang hablutin ng suspek sa madilim na bahagi dakong 8:15 pm.
Sapilitan siyang hinubaran ng suspek at nang siya ay pumalag ay sinakal siya saka patuwad na puwersahang isinagawa sa kanya ang anal sex.
Bagama’t nagmamakaawa ang biktima ay hindi tumigil ang suspek. Nang makaraos ay mabilis na tumakas ang suspek.
Aagad inayos ng biktima ang sarili at pagkaraan ay naghain ng reklamo sa barangay hall.
Dakong 11:00 pm, sa pangunguna ni Purok Leader Richard Malimlim agad nadakip ang suspek.
Kasong sexual assault ang isinampa ni SPO1 Melanie Politud ng Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk, laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)