Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panawagan sa ASEAN leaders: Paglaban sa terorismo, extremism paigtingin

 ANG ASEAN traditional leaders’ family photo sa Coconut Palace, Pasay City, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.  (JACK BURGOS)

ANG ASEAN traditional leaders’ family photo sa Coconut Palace, Pasay City, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. (JACK BURGOS)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng ASEAN na mas lalo pang paigti-ngin ang paglaban sa te-rorismo at extremism.

Ayon sa Pangulo, nasa pintuan mismo ng bawat bansa sa ASEAN ang terorismo at patuloy na may nangyayaring karahasan.

Bukod sa terorismo at extremism ay problema rin ang piracy o pa-mimirata na nambibiktima ng mga barkong dumaraan sa mga karagatang sakop ng Asya.

Ang mga ganitong problema, ayon sa presidente, ang nagdudulot ng abala sa katatagan ng komersiyo at kalakalan hindi lang sa rehiyon kundi maging sa buong mundo.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, magkatuwang na responsibilidad ng pamahalaan at mamamayan ang ti-yaking ligtas ang mga pamayanan.

Kamakalawa ng gabi, napatay ang most notorious Abu Sayyaf leader na si Alhabsy Misaya, sa enkuwentro ng teroristang grupo sa tropa ng Joint Task Force Sulu sa Brgy. Silangkan, Parang, Sulu.

Nanawagan ang Ma-lacañang sa mga mamamayan na manatiling mapagbantay, alerto, manmanan ang komunidad at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matuldukan na ang prehuwis-yong dulot ng ASG, at mapanagot sila sa brutal at karumal-dumal na krimen.

“We call on all citizens to remain vigilant, alert and watchful in cooperating with security forces to end the menace of this bandit group; as government holds them accountable for their brutal and senseless crimes,” ani Abella.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …