Saturday , November 16 2024

Mensahe sa ASEAN Summit: US, EU ‘wag makialam sa ASEAN, China igalang batas sa teritoryo — Duterte

MAS magiging mahalaga at matatag ang relasyon kung matututuhang igalang ang kalayaan ng bawat isa at magtratohan bilang may mga sariling soberanya.

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dialogue partners ng ASEAN, US, Canada, European Union sa kanyang opening statement sa umpisa ng ASEAN Leaders’ Summit sa PICC sa Pasay City kahapon.

“Relations also remain solid if all stakeholders learn to respect and value the peaceful resolution of disputes. In an era where there can be much uncertainty, we must faithfully adhere to the supremacy of the law and rely on the primacy of rules as responsible members of the international community,” anang Pangulo.

Ang pakikitungo aniya ng ASEAN sa Dialogue Partners ang nagpahintulot upang magtakda ng mga makabuluhang diskusyon sa pagmamantina ng kapayapaan at estabilidad, pagpupursige ng hangaring pangkaunlaran, ang mapayapang resolusyon sa mga tunggalian, at pagsusulong ng kapakanan ng mga mamamayan.

Hinimok din niya ang ASEAN leaders na gawing masidhi ang layunin na maging drug-free ASEAN ang rehiyon.

Naniniwala ang Pa-ngulo, sa pag-iral ng political will at kooperas-yon, malalansag ang illegal drug trade apparatus, puwedeng durugin ito bago sirain ang ating mga lipunan.

“We must also be re-solute in realizing a drug-free ASEAN. The scourge of illegal drugs threatens our gains in community-building. I have seen how illegal drugs have ended the hopes, dreams, future and even lives of countless people, especially the youth.The illegal drug trade apparatus is massive. But it is not impregnable. With political will and cooperation, it can be dismantled, it can be destroyed before it destroys our societies,” giit ng Pangulo.

Ilang beses nang binatikos ni Duterte ang US sa pakikialam sa Filipinas, habang ang China ay inaagaw ang mga teritoryong pagmamay-ari ng Filipinas sa South China Sea.

(ROSE NOVENARIO)

Panawagan sa ASEAN leaders
PAGLABAN SA TERORISMO,
EXTREMISM PAIGTINGIN

ANG ASEAN traditional leaders’ family photo sa Coconut Palace, Pasay City, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. (JACK BURGOS)
ANG ASEAN traditional leaders’ family photo sa Coconut Palace, Pasay City, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. (JACK BURGOS)

NANAWAGAN si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa mga  lider ng ASEAN na mas lalo pang paigti-ngin ang paglaban sa  te-rorismo at extremism.

Ayon sa  Pangulo, nasa pintuan mismo ng bawat bansa sa ASEAN ang terorismo at patuloy  na  may nangyayaring karahasan.

Bukod sa  terorismo at extremism ay  problema  rin ang  piracy o pa-mimirata na nambibiktima ng mga barkong  dumaraan sa mga karagatang sakop ng  Asya.

Ang mga ganitong problema, ayon sa presidente,  ang nagdudulot ng abala sa katatagan ng komersiyo at kalakalan hindi lang sa rehiyon kundi maging sa buong  mundo.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, magkatuwang na responsibilidad ng pamahalaan at mamamayan ang ti-yaking ligtas ang mga pamayanan.

Kamakalawa ng gabi, napatay ang most notorious Abu Sayyaf leader na si Alhabsy Misaya, sa enkuwentro ng teroristang grupo sa tropa ng Joint Task Force Sulu sa Brgy. Silangkan, Parang, Sulu.

Nanawagan ang Ma-lacañang sa mga mamamayan na manatiling mapagbantay, alerto, manmanan ang komunidad at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matuldukan na ang prehuwis-yong dulot ng ASG, at mapanagot sila sa brutal at karumal-dumal na krimen.

“We call on all citizens to remain vigilant, alert and watchful in cooperating with security forces to end the menace of this bandit group; as government holds them accountable for their brutal and senseless crimes,” ani Abella.

(ROSE NOVENARIO)

RALIYISTA SA ASEAN
‘DI NAKALAPIT SA PICC

NAGKAGIRIAN ang militanteng grupo at anti-riot police sa Quirino Avenue kanto ng Adriatico St., Malate, Maynila nang magpumilit ang mga raliyista na makalusot patungo sa PICC habang ginaganap ang ASEAN Summit. (BONG SON)
NAGKAGIRIAN ang militanteng grupo at anti-riot police sa Quirino Avenue kanto ng Adriatico St., Malate, Maynila nang magpumilit ang mga raliyista na makalusot patungo sa PICC habang ginaganap ang ASEAN Summit. (BONG SON)

BIGONG makalapit ang mga militanteng nagprotesta sa Philippine International Convention Center habang ginaganap ang Association of Southeast Asian Nations Summit, nitong Sabado ng umaga

Nagtipon muna sa Taft Avenue ang mga demonstrador mula sa iba’t ibang party-list at civic groups, para magsagawa ng maiksing programa bago nagmartsa patungo sa Quirino Avenue para makalusot sa Roxas Boulevard diretso sa PICC.

Hindi natuloy ang i-nisyal na ruta ng mga mi-litante dahil sa inilagay na barikada ng anti-riot police, na kompleto ang mga kalasag at pamalo, sa Adriatico St., sa tapat ng Manila Zoo.

May inihanda ring mga truck ng bombero sakaling kailanganin sa dispersal.

Nagkagirian at nagkasigawan, ang mga pulis at mga nagproprotesta, ngunit walang nasaktan nang magdesisyon ang mga militante na sa Quirino Avenue na lang magpahayag ng kanilang pagtutol sa ASEAN summit.

Tinututulan ng iba’t ibang grupo ang ASEAN Summit dahil wala anilang silbi sa pamumuhay ng pangkaraniwang Filipino.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *