Saturday , November 16 2024

‘Bato’ isasalang ni Duterte sa illegal detention cell sa MPD

PAGPAPALIWANAGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa isyu nang nabukong illegal detention cell sa Manila Police District (MPD).

“I will look into this after — this afternoon. I will call Bato,” ani Pangulong Duterte sa ambush interview sa Palasyo kahapon, bago dumating si Indonesian President Joko Widodo.

Habang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ikinalugod ng Palasyo ang kagyat na pagsibak ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, kay MPD Station 1 commander, Supt. Roberto Domingo, at pag-atas sa Regional Internal Affairs Service na imbestigahan ang insidente.

“The report of the investigation will be forthcoming, and only then do we release further comment on the matter,” ani Abella.

Nitong Huwebes ng gabi, nagtungo ang mga abogado ng Commission on Human Rights (CHR) sa MPD Station 1 at natuklasan ang may isang dosenang katao na nakapiit sa illegal detention cell sa isang sulok na natatabingan lang ng aparador.

Ayon sa isang taga-Tondo, matagal nang kalakaran sa nasabing estasyon ang itago ang mga suspek habang hindi pa ‘isinusuka’ ang hi-nihinging halaga ng mga pulis kapalit ng kanilang kalayaan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *