Saturday , November 16 2024

Veloso case tatalakayin ni Duterte kay Widodo

TATALAKAYIN ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian President  Joko Widodo ang kaso ni Filipina death convict Mary Jane Veloso.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Palasyo, ang pina-kamainam na pag-usapan nila ni Widodo si Veloso ay sa itinakdang “restricted meeting” nilang dalawa bukas.

Si Widodo ay darating nga-yon sa bansa para sa state visit at pagdalo sa ASEAN Leaders Summit bukas.

“It will be an opportune time for — to discuss it during the restricted meeting,” anang Pa-ngulo.

Ngunit ipinauubaya ng Pa-ngulo ang pagpapasya kay Widodo sa magiging kapalaran ni Veloso na hinatulan ng kamata-yan dahil sa kasong drug trafficking.

“Hindi ko alam kasi depende nga sa sagot nila (Indonesia),” tugon niya kung ano ang irerekomenda kay Widodo.

Apat na beses nang nakaligtas sa bitay si Veloso mula nang mahatulan siya ng kamatayan noong 2010, at umaasa ang kanyang pamilya na maisasalba siya nang tuluyan ni Duterte sa death chamber dahil sinasabing biktima lang siya at hindi talagang sabit sa drug syndicate.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *