SI Uncle Sam ang nagpapainit sa isyu ng South China Sea, isinusubo ang Filipinas sa giyera ngunit ayaw pigilan ang China sa pagtatayo ng estruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kaya nga South China Sea ang pangalan nito dahil base sa kasaysayan ay bahagi ito ng China, at ngayon na lang sa henerasyong ito nagpasya hinggil sa entitlement sa erya base sa exclusive economic zone (EEZ).
Ngunit hindi nagpadehado ang Filipinas at mula noong dekada ’70 ay inokupa ang Pag-asa Island at ngayo’y iniutos niya na siyam na isla sa SCS ay puwestohan na rin ng puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP)
Hanggang hindi handa ang Filipinas na kumasa sa giyera, hindi igigiit ng bansa ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop 200-mile EEZ ng bansa ang Panatag Shoal.
“Might is right,” ani Duterte hinggil sa kapabilidad sa militariya ng China.
“Arbitral ruling is simply entitlement, not jurisdiction or territorial,” aniya.
Kung talaga aniyang gusto ng Amerika na bantayan ang “freedom of navigation” sa SCS at pigilan ang militarisas-yon sa lugar ay noon pa dapat nila sinaway ang China dahil matagal nang nakahimpil sa Asya ang US warship na Seventh Fleet.
Ipinaliwanag ng Pangulo, hindi niya bubuksan ang isyu ng arbitral decision sa ASEAN Summit, at ang Code of Conduct in the South China Sea lang ang tatalakayin.
“We cannot, on our own, enforce the judgement of the Arbitral Tribunal. Stop dreaming that arbitral unless we are prepared to go to war,” dagdag niya.
Naniniwala ang Pa-ngulo, ang pinakamainam na paraan nang paglutas sa usapin sa SCS ay pa-tuloy na pakikipag-usap sa China.
(ROSE NOVENARIO)