Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Ligaw, nagpakitang gilas agad sa rating game

NAGPAKITANG gilas kaagad ang pilot episode ng teleseryeng Pusong Ligawnoong Lunes, Abril 24 dahil nagtala ito ng 18.2% kompara sa katapat nitong programa 11.5% at nitong Martes ay 18.1% versus 12% ayon sa Kantar National. Marami ang nag-abang sa kuwento at nagustuhan dahil mabilis ang pacing.

Pati ang The Better Half ay hindi rin nagpahuli dahil nagtala naman ito ng 17.9% kompara sa katapat nitong programa sa GMA 7 na umabot sa 9.7%.

Ang saya-saya naman ng bawat artistang kasama sa Pusong Ligaw at The Better Half dahil maski natapos na ang phenomenal hit na The Greatest Love tuwing hapon ay heto at hindi pa rin bumitaw ang televiewers sa Kapamilya Gold ngABS-CBN.

Kapag nagtapos na kasi ang programang pinakaaabangan ng tao ay naglilipat na sila ng channel, pero hindi ito nangyari nitong linggo at ang pruweba ay ang magandang feedback at mataas na ratings ng dalawang programang napapanood pagkatapos ng It’s Showtime.

Nakahinga naman ng maluwag si Beauty Gonzales dahil inabangan ang Pusong Ligaw dahil ito ang ikinakakaba niya noong grand presscon na baka hindi tanggkilikin kasi nga halos lahat ng mga artistang kasama niya sa teleserye ay matagal na nawala o nagbakasyon tulad nina Bianca King, Raymond Bagatsing, Joem Bascon, at ang baguhang sina Enzo Pineda, Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Isama na rin ang mga bida ng The Better Half na sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC De Vera, at Denise Laurel ay kinabahan din kasi nga sila ang ipinalit sa timeslot ng The Greatest Love at natakot na baka hindi nila ma-maintain ang ratings ng programa ni Sylvia Sanchez na sa simula palang ay mataas na hanggang sa nagtapos.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …