HINAGUPIT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New York Times at tinawag itong asshole at bayaran ni Fil-Am businesswoman at Liberal Party supporter Loida Nicolas-Lewis para batikusin siya.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo kasunod ng inilathalang editorial na hinimok ang International Criminal Court (ICC) na litisin siya sa kasong “crimes against humanity” base sa reklamong inihain ni Jude Sabio, abogado ni self-confessed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato.
Giit ni Duterte, ang imperyalismo ng Amerika ang dapat pintasan ng NYT lalo na ang ginawang pananakop sa ilang mga bansa gaya ng Panama at Iraq na libo-libong mamamayan ang namatay.
Hindi rin aniya dapat makialam ang Amnesty International o iba pang human rights sa internal na usapin ng bansa lalo na’t tahimik sila sa pagmamalabis ng US at labis na paglabag sa karapatang pantao kompara sa drug war niya na mga kriminal ang napapatay.
(ROSE NOVENARIO)