Thursday , December 19 2024

Buntis na bigtime drug supplier arestado sa P3-M shabu

UMABOT sa mahigit P3 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng QCPD-DDEU at NPD-DEU mula sa limang personalidad na nagbabagsak ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Quezon, Caloocan at Malabon, sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations kahapon. (ALEX MENDOZA)
UMABOT sa mahigit P3 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng QCPD-DDEU at NPD-DEU mula sa limang personalidad na nagbabagsak ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Quezon, Caloocan at Malabon, sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations kahapon. (ALEX MENDOZA)

NAARESTO ang isang 30-anyos buntis, hinihinalang bigtime supplier ng shabu sa Caloocan City at karatig na lugar, sa ope-rasyon ng mga tauhan ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) sa Biñan, Laguna, makaraan inguso ng limang suspek na unang nadakip sa buy-bust operation sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni NPD director, Chief Supt. Roberto Fajardo ang suspek na si Rohanie Magdara, walong-buwan buntis, na-aresto sa kanyang bahay sa Block 8, Lot 33, Famille International, Brgy. Dela Paz, Biñan, Laguna, dakong 11:00 pm kamaka-lawa, at nakompiskahan ng 900 gramo ng shabu, tinatayang P3 milyon ang street value.

Ayon kay Chief Supt. Fajardo, si Magdara, nagbabagsak ng shabu sa Caloocan City at iba pang lugar, ay naaresto ng mga tauhan ng NPD-DEU makaraan makipag-ugnayan sa mga tauhan ng pulisya sa Biñan, Laguna.

Ayon kay PO2 Jerome Pascual, dakong 5:30 pm unang naaresto sa buy-bust operation sina Julius Garcia, 30; Jeffrey Sangalan, 26; Zaldy Medina, 32; Jeremae Felizardo, 31, at Angelito Legazpi, 40-anyos.

Sa interogasyon ng mga awtoridad, itinuro ng mga suspek na si Magdara ang nagsu-supply sa kanila ng shabu.

Bunsod nito, agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at nadakip si Magdara sa Biñan, Laguna.

(ROMMEL SALES)

BADING TIMBOG
SA P.175-M SHABU

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District-District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU), ang isang bading na hinihinalang tulak, at nakompiskahan ng P175,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang suspek na si Bobby Ulan.

Nauna rito, ikinasa ng QCPD-DDEU ang operasyon laban sa grupo ni Ulan makaraan magpositibo sa surveillance hinggil sa pagtutulak ng shabu.

Dakong 12:00 am, isinagawa ang transaksiyon sa inupahang kuwarto ni Ulan sa room 305 ng Corner Apartelle sa kanto ng Kamuning Road at Tomas Morato Avenue, Brgy. Kamuning, Quezon City, nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Gayonman, nakatakas ang ilang mga kasama ng suspek gayon din ang kanyang mga kustomer.

(ALMAR DANGUILAN)

Sa La Union
EX-VICE MAYOR NA DRUG
PERSONALITY
PATAY SA AMBUSH

LA UNION – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagpaslang sa dalawa katao, kabilang ang isang dating bise alkalde sa bayan ng Pugo, La Union.

Una rito, hindi uma-bot nang buhay sa pagamutan sina dating Sto. Tomas, La Union, Vice Mayor Vincent Rafanan, 42, ng Brgy. Casilagan; at Beatriz Sacamoto, 31, ng Basista, Pangasinan, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kotse ang dalawa sa Aspiras Highway, Brgy. Tabora East, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay S/Insp. Julius Basallo, hepe ng Pugo Police Station, nakarinig sila nang magkakasunod na putok ng baril at sa kanilang pagresponde sa lugar, nadatnan nilang nakahandusay ang mga biktima at tadtad ng tama ng bala.

Nabatid mula sa Sto. Tomas Police Station, number 5 sa drug watchlist si Rafanan.

5 PATAY SA DRUG
OPS SA BATANGAS

LIMA ang patay sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Batangas, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Batangas police chief, Senior Supt. Randy Peralta, lumaban ang mga suspek sa One Time Big Time operations na magkakasunod isinagawa sa buong Batangas, para maisilbi ang search at arrest warrants laban sa mga drug suspect.

Isa sa mga napatay ay mula sa bayan ng Bauan, isa sa Nasugbu, isa sa Mabini, isa sa Mataas na Kahoy, at isa sa Balayan.

Nakompiska ng mga awtoridad ang ilang baril at pakete ng shabu sa nasabing mga lugar.

Ilang suspek din ang naaresto ng pulisya.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *