TULOY-TULOY ang pagbatikos sa pahiwatig ni Bise Pre-sidente Leni Robredo na hindi na dapat gawin na isang krimen ang paggamit ng shabu, o ang sinabi niya na decriminalization nito, bilang solusyon, o pampalit sa umiiral na madugong kampanya, laban sa ilegal na droga.
Sinabi kahapon ng pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Dante Jimenez, “Baka nasisiraan na ng bait ang pangalawang pangulo dahil sa kanyang mga pinagdaraanan ‘tulad ng kinahaharap niyang election protest.”
”Saan niya nakuha ang ganoon ka-iresponsableng ideya… na para na rin pagkonsinti sa kalakalan ng ilegal na droga,” pahayag ni Jimenez, na idinagdag pang isang “bad lawyer” ang nasabing opisyal sa pagmungkahing i-decrimina-lize and paggamit ng shabu at iba pang uri ng ipinagbabawal na gamot.
Idinagdag ng pangulo ng VACC na puwedeng akalain ng taongbayan na isang drug protector si VP Robredo dahil sa kanyang pahayag na maaaring gawing solusyon sa problema sa droga ang dekri-minalisasyon nito.
Matatandaan, isang mayamang Filipino-Chinese sa Cebu, na ang kapatid ay pinaghihinalaang nasa likod ng malakihang kalakal ng shabu, o isang drug lord, ang napasama sa lista-han ng halos kalahating bilyon-pisong kontribus-yon para sa kandidatura ni Robredo noong nagdaang 2016 election.
“Dapat din sigurong mabusisi ang listahan ng mga nag-kontribute sa kampanya ni Robredo noong nagdaang halalan upang matiyak na hindi siya nasingitan ng pondo na galing sa kalakalan ng ilegal na droga,” paha-yag ng taga-VACC.
Si Robredo ay nauna nang napabalitang nagmungkahi sa isang pagtitipon ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños na dapat pag-aralan ng gobyernong Duterte ang solusyon sa problema sa droga sa bansang Portugal na inalis ang “criminal liability” ng mga gu-magamit ng droga.
“Ang mga kampanya laban sa ilegal na droga na gumamit ng dahas ay hindi nagtagumpay, kaya bakit hindi natin pag-aralan at subukan kung pwedeng hindi na gawing krimen ang drug use ‘tulad ng nangyari sa Portugal, pahayag ni Robredo noong nagdaang linggo.
Nauna nang tinawag ni Teodoro Locsin, Jr., na “idiot,” o isang tanga si Robredo dahil sa kanyang pahiwatig na kailangang “i-decriminalize” ang paggamit ng ilegal na droga sa bansa.
“Tunay na tanga ang babaeng ito. Sige gawin din nating legal ang murder, rape pati na ang kartel ng mga drug lords,” pangungutya ni Locsin kay Robredo sa kanyang Twitter post.
HATAW News Team