Saturday , November 16 2024

Police official na kasabwat ni Nobleza tinutunton; Posibleng sabwatan sa ASG busisiin (Apela ng MNLF sa gov’t)

INIIMBESTIGAHAN ng pambansang pulisya ang ulat na may isa pang mataas na opisyal ng PNP na kasama ni Supt. Maria Cristina Nobleza, sa pakikipagsabwatan at  at nagsisilbing protektor ng teroristang Abu Sayyaf.

Tinutukoy na ngayon ng PNP ang nasabing police official.

Kaugnay nito, planong kausapin ni PNP chief, Director Genenaral Ronald Dela Rosa si Nobleza, kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Samantala, hindi natuloy ang pagharap sa mga miyembro ng media kamakalawa kay Nobleza at sa boyfriend niyang si Renier Lou Dongon, dahil naging abala ang PNP chief kaugnay sa pag-uumpisa ng ASEAN Summit.

Sa ngayon, nadagdagan ang kasong kriminal na isinampa laban sa police colonel gaya ng obs-truction of justice, at disobedience to a person in authority.

Unang sinampahan ng kaso si Nobleza ng illegal possession of firearms, harboring criminals, at conspiracy to commit terrorism.

Samantala, kinompirma ni PRO-7 regional police director, C/Supt. Nolie Talino, kanila ring iniimbestigahan ang dating asawa ni Nobleza na si S/Supt. Alan Nobleza, isang police attache sa Pakistan.

Kuwento ni Talino, 2010 pa annuled ang kasal ni Nobleza at taon 2013 nang magkakilala sila ni Dungon habang nasa PAOCC pa ang police official, at nakakulong sa Kampo Crame ang bandidong Abu Sayyaf na eksperto sa paggawa ng bomba.

Apela ng MNLF sa gov’t
POSIBLENG SABWATAN
SA ASG BUSISIIN

UMAPELA ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa gobyerno na imbestigahan ang posibilidad na marami pang mga awtoridad ang tumutulong sa extremist group na Abu Sayyaf.

Pahayag ito ng tagapagsalita ng MNLF na si Emmanuel Fontanilla, makaraan mapag-alaman ang relasyon ng isang babaeng police official sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ayon kay Fontanilla, may natatanggap silang reports hinggil sa proteksiyong ibinibigay ng ilang sundalo at pulis sa Abu Sayyaf members kapalit ang matatanggap na bahagi ng pera mula sa ransom money.

Nitong Sabado naa-resto si Supt. Maria Cristina Nobleza at ang sinasabing Abu Sayyaf lover niyang na si Renier Lou Dongon sa Clarin, Bohol.

Gayonman, iginiit ni Fontanilla, handa ang MNLF na tumulong sakaling ituloy ng gob-yerno ang paglulunsad ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing usapin.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *