Saturday , November 16 2024
knife saksak

Pinigilan kumanta senglot nanaksak, mag-ina sugatan

SUGATAN ang mag -ina na may-ari ng videoke machine, makaraan undayan ng saksak ng la0sing na lalaking pinigi-lan nilang kumanta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mag-inang sina Beverly, 57, at John Ryan Bismanos, 28, residente sa Sitio Puting Bato, Road-10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), sanhi ng mga tama ng saksak ng basag na bote.

Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na kinilalang si alyas Dodong Amores, tumakas makaraan ang insidente.

Base sa ulat  ni PO3 Joemir Juhan, dakong 7:30 pm, naghulog ang suspek ng P5 sa videoke machine na pag-aari ng mga biktima, at kumanta bagama’t wala sa tono.

Pagkaraan ay muli sanang maghuhulog ang biktima ng barya ngunit pinigilan ni John Ryan dahil nabubulabog ang kanilang mga kapitbahay.

Bunsod nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang kumuha ng basag na bote ang suspek at inundayan ng saksak si John Ryan.

Tinangkang umawat ni Beverly ngunit maging siya ay inundayan din ng saksak ng suspek at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *