Thursday , December 26 2024

JOs sa Manila City Hall opisyal ng barangay? Ilegalidad sa Plaza Lawton tuloy ang ligaya

SADYA nga bang talamak na rin mga ‘igan ang katarantadohan sa Manila City Hall? Mantakin n’yong sa dami ng ipinapasok na JOs (job orders) sa iba’t ibang departamento, aba’y hindi nagpahuli ang ilang opisyal ng barangay!

OMG! Hindi ba’t katarantadohan ‘yang pinapasok ninyo? Kayong mga damuho kayo, kung gusto n’yong kumubra nang malaki-laking pera, aba’y huwag sa mado-double compensation kayo! Baka mahuli kayo, kayo rin! Baka tulu-yang maligwak kayo sa posisyong pinanghahawakan. Sayang ‘igan, maging ang tiwala sa inyo ng sambayanang Manilenyo…

Tulad sa kaso ng isang si Rodel Sibug. Tanong ng aking pipit-na-malupit, aba’y saan kaya humuhugot ng tapang si Sibug?

Isang barangay kagawad ng Barangay 168 Zone 15 ng District II, Tondo, Maynila, and at the same time mga ‘igan, isa rin umano siya sa JOs ng Manila City Hall!

Aba, aba, aba, barangay (168) chairman Angelita L. Santos, may katotohanan ba ang natuklasang ito ng aking pipit na malupit? Sus, huwag magpatumpik-tumpik Che, kinakailangang kastigohin ang tiwaling barangay kagawad. Che, huwag palagpasin ang katarantadohan ni Sibug kung may katotohanan ito!

Oooopppss…ano? Alam ito ni Chairman… kasabwat?

Sumbong ng aking pipit na malupit, ganito rin umano ang magaling at beteranong henete ng kabayo na si Jockey Guce –Jesse B., na paboritong henete ni Director Dichaves ng Manila Zoo, aba’y “Job Order V” umano ang status nito at sumusuweldo kada buwan ng P10,358.00. Isama pa ang umano’y asawang si Ms. Hazel Joy M. Flores, na may “Job Order III” naman ang status na sumusuweldo ng umano’y halagang P8,932.00 kada buwan.

Ayon sa aking pipit na malupit, sila ay JOs ng Manila City Hall na ang “appearance” ay kung gawaan na ng daily time record (DRT) at tuwing suweldo time…

Mas astig naman umano ang kunehong si Rainiel Carreon, mantakin ninyong may item na “Administrative Aide IV” na nakatalaga sa Barangay Affairs Division ng Manila Barangay Bureau (MBB), aba’y umaapir lang sa opisina kada anim na buwan.

Ayon sa aking pipit na malupit, lagi umanong ipinagmamalaki ng mama na super lakas umano ang kapit niya sa matataas na opis-yal ng Manila City Hall. Maraming humahanap sa mama ngunit laging wala sa opisinang kinatatalagahan at every six months lang umano makikita.

Sus, kaya pala gano’n ang estilo… may pi-naghuhugutan pala…he he he…pero mali ‘igan…sobrang katarantadohan na ‘yan sa gobyerno…ayaw ni Erap nang ganyan ‘igan. So, dapat dito’y sampahan ng kaso sa Ombudsman para hindi na pamarisan ng iba!

Isipin ninyo mga igan, panloloko na ‘yang ginagawa ng animal! Talaga bang wala nang konsensiya ang mga damuho? Isang malaking kagagohan ang kumubra kayo ng pera o suweldo na hindi naman ninyo pinagtrabahoan o pinaghihirapan, tapos, ipakakain ninyo sa inyong pamilya!

Tahasang pagnanakaw ‘yan sa ating gob-yerno mga ‘igan!

Kaya nananawagan tayo kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, SIR, nawa’y mabigyan ng leksiyon ang mga tiwaling lingkod-bayan, at nang matuldukan ang lahat ng katarantadohang dumudungis sa magagandang plano, programa at proyekto ninyo para sa sambayanang Manilenyo!

***

BAKIT kay lalakas ng loob at kay kakapal ng mukha ng mga taong nagmamanipula ng mga ilegal sa Plaza Lawton, partikular ang illegal terminal at illegal vendor na pinagkakakitaan nang limpak-limpak na salapi kung kaya’t di matibag-tibag? Kaninong bulsa ang bagsak ng mga koleksyon? He he he…

Hinay-hinay lang mga ‘igan…

Ayon sa aking pipit na malupit, sakop ng Barangay 659-A Zone 68, na pinamumunuan ni Chairman Ligaya Santos ang Plaza Lawton, na kuwestiyonable ang talaan ng mga residente kaya nga iminumungkahi na dapat nang i-demolish.

Pinangangasiwaan din ito ng nakatalagang PCP Station Commander, na nakasasakop ng Plaza Lawton ng District V, Lungsod ng Maynila.

Ano’t tila deadma sa mga katiwaliang nagaganap sa Plaza Lawton ang mga opisyal na nabanggit?

Ayon sa aking pipit na malupit mga ‘igan, malakas daw umano ang kapit sa ilang matataas na opisyal ng Manila City Hall.

Gano’n ba?

Mr. President Duterte, Ka Digong, Sir, kung tuluyang mabababoy at pagkakakitaan na lamang nang iilan ang Plaza Lawton na dapat ay sa kapakinabangan ng nakararami, aba’y ibigay na lang ang pangangalaga nito sa Department  of Tourism nang tuloy-tuloy nang mabago at malinis ang kapaligiran ng monumento ni Andres Bonifacio at ang Post Office na dinarayo ng mga turista ng bansa.

Abangan… ang tuloy-tuloy na pangongolekta ni Chairman para sa “Kuryente Load”  ng  Me-ralco sa Barangay 418…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *