Saturday , April 19 2025

Editoryal ng NYT ‘kontaminadong’ opinyon

KONTAMINADO ang opinyon ng editorial ng New York Times laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ibinase ito sa salaysay ng isang tao na ibinasura ng Senado ang testimonya bunsod ng kasinungalingan.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang basehan, iresponsable at padalos-dalos ang editorial ng NYT na “let the world condemn Duterte.”

Aniya, mismong Philippine Senate ay ibinasura ang testimonya ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman Edgar Matobato, na si Duterte ang nasa likod ng extrajudicial killings mula nang alkalde pa ng Davao City.

“No findings have been made by any of the investigating body that conducted probe on the alleged extrajudicial killings, in fact, there is a finding by the Philippine Se-nate that the so called extrajudicial killings are not state-sponsored or state-initiated. Therefore there is no basis in fact and in law in the editorial of the New York Times,” dagdag ni Panelo.

Sa militar ay itinuturing na A1 information ang isang impormasyon na hindi puwedeng pasubalian o “top quality” habang sa pamamahayag o journalism, kasama sa pamantayan ang makatotohanang source at wasto ang sinasabi dahil dito nakasalalay ang kredibi-lidad at reputasyon ng media organization na naglabas nito.

Batay sa Senate Committee on Justice and Human Rights and the Committee on Public Order and Dangerous Drugs report noong Disyembre 2016, tadtad ng kasinu-ngalingan ang testimonya ni Matobato, at hindi magkakatugma ang detalye kaya walang basehan ang alegasyon nito laban kay Pangulong Duterte.

Matatandaan, noong nakaraang buwan, binatikos ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang NYT sa sunud-sunod na pagbira kay Pangulong Duterte at aniya’y dapat unahin ng pahayagan ang tambak na problema ng US sa kaysa pag-initan ang Filipinas.

Nakapagtataka aniya na nagkukumahog ang NYT sa pagbibigay ng atensiyon sa sitwasyon sa bansa gayong may sariling mga problema ang US na binabalewala ng pahayagan.

Ipinahiwatig ni Abella na ang oposisyon sa Filipinas ang nakikinabang sa agit-prop (agitation propaganda) ng NYT na pinaniniwalaang binubuhusan ng pondo ng mga nasa likod ng destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte.

Nauna nang tinukoy ni Duterte na nagsasabwatan ang mining executives, drug lords at ilang nakabase sa Amerika, gaya nina American billionaire George Soros at Fil-Am millionaire Loida Nicolas-Lewis, at tinutustusan ang mga hakbang para patalsikin siya sa puwesto.

(ROSE NOVENARIO)

Babala ng Palasyo
GASCON ‘WAG SUMAWSAW
SA REKLAMO SA ICC VS DUTERTE

HINDI dapat magpadalos-dalos si Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon sa pagtulong sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga insidente ng extrajudicial killings (EJKs) dulot ng drug war.

Nanindigan si Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang inihaing reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ng abogadong si Jude Sabio, ay walang basehan kaya hindi kai-langan agad na sumawsaw si Gascon.

“The Commission on Human Rights has a mandate to perform which the Executive Department respects. However, the communication filed to the International Criminal Court (ICC) against President Duterte is based on untenable grounds, which CHR ought to be circumspect about,” ani Abella.

Sinabi ni Abella, pursigido ang Pangulo na tuparin ang pangakong ibalik ang tiwala ng taong bayan sa gobyerno, makamit ang kapayapaan at mapaganda ang buhay ng bawat Filipino.

Hindi aniya nagpaabala ang Pangulong Duterte sa isinampang reklamo laban sa kanya na “crime against humanity” ni Sabio sa ICC.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *