Monday , December 23 2024

Saan man dako ‘yan abot-kaya ng QCPD

KUNG inaakala ng sindikato ng ilegal na droga na mas mautak ang grupo nila kaysa bumubuo ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni

Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar bilang District Director, isang malaking pagkakamali ang pagkakakilala ng sindikato sa pulisya ng lungsod.

Kung inakala rin ng sindikato na kaya nilang paikutin at pasukuin ang QCPD sa pagbuwag o pag-aaresto sa malalaking drug dealer ng grupo, nagkakamali rin uli sila dahil ano man ang mangyari, hinding-hindi susuko ang QCPD sa kanilang kampanya laban sa droga, kahit na ikamatay pa nila ito basta’t makuha nila ang kanilang target na nagkakalat ng droga sa lungsod.

‘Ika nga ni Eleazar, ang prayoridad namin ay makuha ang target at masawata ang kanilang operasyon sa pagkakalat ng droga. Ginagawa namin ito hindi para sa ikagaganda ng imahe ng QCPD kundi para sa mamamayan ng lungsod partikular ang kaligtasan ng mga kabataan na posibleng maging biktima ng sindikato.

Kaya heto, muling pinatunayan ng QCPD na hindi kayang pasukuin ng sindikato ang puwersa ng QCPD.

Nitong Sabado, 22 Abril 2017, sinubukan ng sindikato na paikutin ang QCPD sa isang ikinasang drug operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) na pinamumunuan ni Chief Insp. Ferdinand Mendoza.

Lingid sa kaalaman ng sindikato, grupo ng DDEU ang kanilang katransaksiyon para sa 120 gramong shabu sa ikinasang buy-bust operation.

Sa tulong ng police asset ng DDEU, ikinasa ang buy-bust sa Bago Bantay, Quezon City laban sa mag-live-in na sina Melvin Samson alyas “Pogi” at Gerlie Mendoza. Ang dalawa ang responsable sa pagkakalat ng droga sa Project 6, Bago Bantay, Bulacan at Nueva Ecija.

Pero naudlot ang operasyon nang magduda ang dalawa kaya, para sa kanilang kapakanan ay inilipat ang transaksiyon sa Guimba, Nueva Ecija – teritoryo ng mag-live-in na drug dealer.

Kung inakala ng dalawa na susuko ang DDEU sa pagsubok matapos ilayo ang transaksiyon sa Nueva Ecija, ang sabi ni Eleazar ay nagkakamali ang sindikato dahil kahit saan man makarating ang transaksiyon ay pilit na aabutin ito ng QCPD.

In short, tuloy ang operasyon laban sa dalawa kaya, agad nakipag-ugnayan ang QCPD sa Guimba Police Station para sa ikaaaresto nina Samson at Mendoza.

Hayun, umabot ang buy-bust operation sa Brgy. Maybubon, Guimba na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawa matapos makompiskahan ng 120 gramong shabu na nagkakahalaga ng P600,000.

Pero siyempre, hindi riyan nagwakas ang operasyon ng DDEU, dahil naniniwala si Eleazar na mayroon pang malalaking dealer sa likod ng mag-live-in.

Sa imbestigasyon, kumanta ang dalawa at itinuro kung sino ang kanilang supplier.

Hindi na nagsayang ng oras si Eleazar kaya agad niyang pinakilos ang DDEU para magsagawa uli ng operasyon – ngayon sa Calumpit, Bulacan. Siyempre, bilang SOP ay nakipag-ugnayan uli ang QCPD sa lokal na pulisya.

Hayun, swak sa patibong ng QCPD ang supplier ng dalawa na si Kimberley Arzadon, residente sa Purok 5, Upper Bicutan, Taguig City, pero nahuli siya sa kanyang lungga sa isang motel/inn sa McArthur Highway, Brgy. Palimbang, Calumpit, Bulacan.

Nakuha kay Arzadon ang limang malalaking sachet ng shabu, may timbang na isang kilo at may street value na P5 million. Wow, ganoon na pala kamahal ng shabu ngayon.

Ayon kay Eleazar, ang tatlong nadakip ay kabilang sa high value target ng PNP na responsable sa pagkakalat ng droga sa Quezon City, Nueva Ecija, Bulacan at iba pang karatig lalawigan.

Naniniwala si Eleazar, sa pagkakadakip ng tatlo ay malaking kawalan ito sa sindikato habang malaking tulong naman sa mamamayan lalo sa kabataan.

Kaya, kung inaakala ng sindikato na estilong ililipat ang drug transactions sa malalayong lalawigan mula Quezon City, para hindi na ituloy ng QCPD ang operasyon, isa itong malaking pagkakamali.

Gen. Eleazar, Maj. Mendoza, at sampu ng inyong mga opisyal at tauhan, marami na naman kayong nailigtas na kabataan sa tiyak na kapamahakan. Salamat din sa Guimba Police at Calumpit Police.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *