Monday , December 23 2024

Honeylet official hostess ng ASEAN leaders’ spouses

HINIRANG ng Palasyo si Honeylet Avanceña bilang “official hostess” ng ASEAN leaders’ spouses.

Sa panayam kay ASEAN 2017 Director-General for Operations Ambassador Marciano Paynor, Jr., kahapon, sinabi niya na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa magiging papel ni Honeylet, kanyang common-law wife, sa ASEAN.

Aniya, magiging abala si Honeylet sa mga nakalinyang spouses’ program gaya nang pagpunta sa Metropolitan Museum at pagsalo-salo sa pananghalian.

“There will be spouses’ program, I understand that they will be shown the Metropolitan Museum and will be hosted lunch by Madam Honeylet. She’s the official hostess. Yes it is the President’s prerogative,” dagdag ni Paynor.

Inaasahang anim ang darating na ASEAN leaders’ spouses.

Ayon kay Paynor, lahat o siyam na ASEAN member states leaders ay lalahok sa Summit sa Abril 26-29.

“Lahat sila darating, Myanmar head of state is not coming, but they have designated Aung San Suu Kyi as head of the delegation. So, all the other heads of government are coming,” sabi niya.

Ang iba pang ASEAN leaders na darating sa bansa ay sina Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam, Cambodian Prime Minister Hun Sen, Indonesian President Joko Widodo, Laos President Bounnhang Vorachith, Malaysian Prime Minister Najib Razak, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Thailand Prime Minister General Prayut Chan-o-cha, at Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.

Sina Bolkiah at Widodo ay magsasagawa ng state visit bago ang ASEAN summit proper sa 29 Abril.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *