INARESTO ang dalawang employer makaraan bigong mai-remit ang contributions ng kanilang mga empleyado para sa Social Security System (SSS).
Dinakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang ilang opisyal ng SSS, si Dr. Rhea Liza Henzon, sa Capitol Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay SSS Vice President for Legal Enforcement Group Renato Cuisia, kanilang inaresto si Liza dahil bigong i-remit ang P1.6 milyon ha-laga ng SSS contributions ng kanyang mga emple-yado, simula noong 2007 hanggang 2011.
Lumobo aniya nang hanggang P6 milyon ang penalty ni Liza dahil sa hindi pagbabayad ng SSS contributions ng kanyang mga empleyado.
Bukod sa nasabing doktor, inaresto rin ng CIDG at SSS ang may-ari ng Skill Power Institute Livelihood Training Corp., na bigong mai-remit ang P300,000 halaga ng contributions ng kanyang mga empleyado.