Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
train rail riles

Takatak boy todas sa tren

HINDI naisalba sa pagamutan ang buhay ng isang cigarette vendor makaraan mahagip nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Romeo Loria, 55, biyudo, at residente sa Jesus St., Pandacan, ngunit bina-wian ng buhay.

Ayon sa ulat ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPDTEU), naganap ng insidente dakong 7:30 pm sa riles ng Pandacan Station ng PNR, sa panulukan ng Tomas Claudio St.

Base sa kopya ng CCTV camera sa naturang lugar, nakaupo ang biktima sa gilid ng riles habang nagpapahinga nang dumating ang isang locomotive train ng PNR.

Hindi nakaiwas ang biktima kaya’t nahagip siya nang rumaragasang tren. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …