Monday , December 23 2024
dead gun police

Rent-tangay ‘suspect’ itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isa sa mga suspek sa “rent-tangay” o car rental scam, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa labas ng kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, dakong 3:00 pm nang pagbabarilin ang biktimang si Eleanor “Leah” Constantino Rosales.

Sa CCTV footage, makikita si Rosales na bumaba mula sa isang SUV at papasok sana sa gate ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at tumabi sa kanya.

Napatakbo si Rosales ngunit hinabol siya ng isa sa mga suspek at binaril nang malapitan hanggang sa matumba sa gitna ng kalsada.

Hindi mamukhaan ang riding in tandem dahil sila ay naka-helmet at naka-cap. Napag-alaman ding walang plaka ang motorsiklong ginamit ng mga suspek.

Ayon sa Sta. Rosa police, kagagaling lang ni Rosales sa pagdinig kaugnay sa car rental scam case.

Sinasabing si Rosales ang secretary ni Rafaela Anunciacion, ang itinuturong utak sa scam.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *