Saturday , November 16 2024

Erap ibalik sa kulungan — Duterte

IBALIK kita sa kulungan.

Ito ang babala ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, na minaliit siya noong kampanya ng 2016 presidential elections.

“It’s 8 o’clock. Si Erap, naghihintay na ‘yung buang. Birthday niya ngayon e. Sabi niya, ‘Punta ka talaga ha kasi…?’ Tapos noon sabi niya, ‘Wala ‘yan si Duterte. Ano ‘yan, low class lang ‘yan. Ano ‘yang style niya pag ka ano..’ Nga-yon, tang ina, ibalik kita sa kulungan,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa pasinaya ng Cine Lokal sa Pasay City, bago magpunta sa birthday party ni Erap, kamakalawa ng gabi.

Noong Disyembre 2015, sinabi ni Erap, sa Davao City lang bagay si Duterte dahil doon ay puwede niyang takutin ang mga mamamayan.

”I think he is just for local politics where he can bully his constituencies. It’s really different in national politics. It’s (his leadership style) is very local. If you are running for president, you should have finesse. He is just copying me but I have finesse,” ani Erap.

Matatandaang si Sen. Grace Poe ang inendosong manok ni Erap noong 2016 presidential derby.

Noong 2013, napau-lat na hindi pa naibabalik ni Erap sa kaban ng bayan ang P417.86 milyon sa P735 milyong iniutos ng Sandiganbayan na isoli niya, nang hatulan siyang guilty sa kasong plunder noong 2007.

Kaya lumaya si Erap ay bunsod nang pagkaloob sa kanya ng pardon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngunit hindi sakop ang aspektong sibil ng kasong plunder, gaya ng pagbabalik nang dinambong na pera sa kaban ng bayan.

Batay sa Article 113 ng Revised Penal Code (RPC), obligadong sundin ni Erap ang civil liability sa ginawa niyang krimen.

Base sa Art. 95 ng RPC, kailangan sundin ni Erap ang mga kondisyon sa tinanggap niyang pardon, at kapag hindi ay puwedeng ipawalang bisa ito, ipaaresto siya at ibilanggo hanggang mapagsilbihan ang “unexpired term of his penalty.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *