Saturday , November 16 2024

Babala sa Kadamay: Agaw-pabahay tuldukan – PCUP

HINDI na dapat maulit ang sapilitang pag-okupa ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga pabahay ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon kahapon, kailangan seryosohin ng mga maralitang lungsod ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi niya hahayaan ulitin ng Kadamay ang ginawang agaw-pabahay sa Bulacan, at haharangan sila ng bazooka.

“Tingin ko tama naman ‘yung sinabi ni Presidente na ibig sabihin, hindi naman literal na dapat i-take na iba-bazooka ‘yung mga tao. Pero siyempre it serves as a warning that I don’t think that the Pre-sident will look kindly again for another occupation,” ani Ridon sa press briefing sa Palasyo.

Kailangan aniyang komprontahin ng gobyerno ang krisis sa pabahay, na aabot sa 5.6 milyon ang housing backlog, hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

Kasama aniya sa responsibilidad ng PCUP na magkaloob ng tulong para ihanda ang mga maralitang lungsod na tumayo sa sariling mga paa.

Dagdag ni Ridon, patuloy ang pakikipag-dialogo ng PCUP sa Kadamay upang hindi na gawin muli ang agaw-pabahay.

Bago naging PCUP chairman, si Ridon ay naging lider ng militanteng grupong League of Filipino Students (LFS) at naging Kabataan party-list representative.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *