Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The singing konsehala, Jaja Castaneda, may concert na

SERYOSO ang Konsehala ng Mariveles, Bataan na si Jaja Castaneda na ipagpatuloy ang pangarap na mag-artista. Kaya naman plano niyang ipagpatuloy ang nasimulang workshop noon sa ABS-CBN kina Beverly Vergel at Pinky Marguez.

Sa pakikipagkuwentuhan kay Jaja, naikuwento nitong, naudlot ang pagpasok niya sa showbiz dahil inuna muna niya ang pag-aaral. Gumradweyt siya ng Public Health sa UP at pagkaraan ay nagserbisyo sa kanyang mga kababayan sa Mariveles, Bataaan.

Nanalo siyang number one councilor na ang posisyong nakuha ay minana mula sa kanyang ina at dati ring konsehalang si Gng. Jocelyn P. Castaneda.

Si Jaja ay nagmula sa pamilya ng mga politiko dahil dating alkalde ng bayan nila ang kanyang tiyuhin.

Ani Jaja, pangarap niya talaga ang maging isang theater actress, at makasama sa isang musical. Bet niya ‘yung kumakanta at sumasayaw. Challenge sa kanya ang teatro. Kaya naman ngayon, paglalaanan na niya ng oras ang muling pagsabak sa workshop dahil gusto na niyang umarte.

“Gusto ko na rin pong subukan ang umarte. Kung may audition po para sa isang certain role, willing po akong mag-audition. Alam ko naman po na mayroon akong ibubuga (sa acting). Ayoko pong mag-regret na kapag matanda na ako, sasabihin ko sa sarili ko na ba’t kasi hindi ko sinubukan.

“At least po kung siusubukan ko ngayon, kahit hindi maging successful, masasabi ko po na at least, na-try ko. Ayoko po ‘yung ganoon na regret nang regret na sa gabi, bago ka matulog, iisipin mo bakit hindi mo sinubukan kasi natatakot ka, parang ganoon po,” ani Konsehala Jaja.

Idol ni Kon. Jaja sina Rachelle Ann Go, Lea Salonga, at Isay Alvarez. Wish naman niyang makatrabaho sina Coney Reyes, Angel Aquino, at Dimples Romana.

“Kasi po kahit anong role ang ibigay sa kanila, kontrabida o bida, ang galing nila,” bulalas pa niya.

Paborito rin niya si Joshua Garcia. “Ang galing po niyang umarte. Napanood ko po ‘yung ‘MMK’ nila ni Julia (Barretto), ang galing po niya roon,” pakli pa ni Konsehala Jaja.

May mga nagsasabing younger Amy Austria look a like si Jaja kung titingnan. Maganda, matalino, at may potensiyal ito lalo na sa pagkanta.

Sa tulong ng dating actor at ngayon ay matagumpay na producer-director na si Jeffrey Gonzales, may niluluto nang intimate solo concert para sa konsehala sa Mayo. Agree naman si konsehala Jaja basta ang gagawing beneficiary ay ang mga kababayan niya sa Mariveles.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …