Hinimok ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, ang bawat miyembro ng pambansang pulisya, na magnilay-nilay ngayong Semana Santa.
Ginawa ni Dela Rosa ang panawagan sa kanyang talumpati sa regular na flag raising ceremony sa Camp Crame.
Pahayag ni Dela Rosa, bawat pulis ay dapat tanungin ang kanilang mga sarili na bahagi ng “reflection.”
Sinabi ng heneral, dapat itanong sa mga sarili, una ay kung hindi ba nasayang ang pagsasakri-pisyo ng panginoong Jesus makaraan nmagpapako sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan.
Pangalawa, tanungin ang kanilang mga sarili kung nakalimutan na ba nila ang kanilang motto na “to protect and to serve” at pangatlong dapat pagnilayan ng mga pulis ay kung nagiging makasarili na sila.
Hangad ni Dela Rosa na positibo ang sagot ng lahat ng pulis sa kanyang tatlong mahahalagang tanong, at kung negatibo aniya ang sagot dapat itong itama ng mga pulis.