NAGMULA sa Muntinlupa City ang itinanghal na Grand Winner sa katatapos na ToFarm Songwriting Competition na isinagawa noong Linggo ng gabi sa Samsung Hall, SM Aura. Naiuwi ni Gino Torres na siyang nag-compose ng Binhi Ng Pagbabago ang premyong P300K at Special Award mula Landbank na P50,000.
Si Rap Salazar ang nag-interpret ng Binhi ng Pagbabago.
Si Edwin Marollano naman ang nagkamit ng second prize mula sa kanyang komposisyong Magtatanim Ako. Inawit ito ni Toto Sorioso. Nakakuha si Marollano ng P200K cash prize habang si LJ Manzano mula sa kanyang awiting Magtanim Ng Bago na kinanta nina Paolo at Miguel Guico, at Boboi Gracela ang nakakuha ng ng third prize at nag-uwi ng P100K cash price.
“We were very happy with the turnout of the first TOFARM Songwriting Competition,” ani TOFARM Chief Advocate, Dr. Milagros O. How. “All the songwriters did a commendable job connecting the concept of farming with music using different genres.”
Ang ToFarm Songwriting Competition ay binuo para bigyang recognition ang mga tireless effort at valuable contribution ng mga Filipino farmer at fisherfolk ng bansa. At para kay Dr. How, sila ang mga modern day unsung heroes na ang istorya ng mga buhay ay maaaring ibahagi sa pamamagitan ng mas madaling maintindihan ng madla.
“Music is a universal language and is a very effective and powerful platform to convey a particular message. Through this competition, we hope that more people can appreciate and lrarn from the lives of our farmers,” giit pa ni Dr. How.
Nagsilbing judges sina Joey Ayala, Jun de Leon, Bituin Escalante, Ebe Dancel, at Noel Cabangon.
Ang theme ng ToFarm Singing Competition ay, Planting Seeds of Change.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio